Pano ba mag-apply ng Australian Citizenship?

Citizenship day

17 September, 2024 is Australian Citizenship Day – and the 75th anniversary of Australian Citizenship. Source: AAP

Ang Australian Citizenship Day ay isang mahalagang milestone o yugto hindi lamang para sa mga bagong mamamayan kundi pati na rin sa mga matagal nang naninirahan sa bansa. Ating alamin paano ka magiging eligible o kabilang sa mga maaring maging Australian Citizen.


Key Points
  • Mula 1949 tinanggap ng Australia ang higit sa 6 milyong bagong mamamayan mula sa mahigit 200 bansa.
  • Ayon sa datos hanggang Agosto 2024, mayroong 6,233 Pilipino ang nagkamit ng Australian citizenship ngayong taon.
  • Paglilinaw ng Immigration Lawyer na si Reyvi Mariñas, kailangan naka-apat na taon ang isang indibidwal sa Australia at mayroong Permanent Residency. Dapat din maipasa ang Citizenship Test.
Nationality and Citizenship Act 1949

Taong 1949, nang isinabatas ang Nationality and Citizenship Act, na nagpatibay sa pagiging mamamayang Australyano.

Mula noon tinanggap ng komunidad ang higit sa anim na milyong bagong mamamayan mula sa mahigit 200 bansa. Sa kasalukuyan, mahigit kalahati sa populasyon ng mga Australians ay ipinanganak sa ibang bansa o may magulang na ipinanganak sa labas ng Australia.

Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng maraming pagbabago sa proseso at eligibility para maging mamamayan ng Australia.

Australian Citizen by conferral

Sa panayam kay Atty Reyvi Marinas, isang immigration lawyer, ibinahagi nito ang mga isinasaalang-alang bago para makapag-apply bilang Australian Citizen by conferral o pagkakaloob.

Una na dito ang pagkakaroon ng Permant Residency status at paninirahan sa Australia sa loob ng apat na taon.

Paglilinaw ni Atty. Reyvi, nagsisimula ang pagbibilang mula sa unang beses na pagtuntong mo sa Australia kahit pa ikaw ay naka-tourist visa.

Ilan sa mga pangunahing dokumento na hinhingi sa aplikasyon ang mga luma at bagong pasaporte, birth certificate at deklarasyon ng pagkakakilanlan.

Australian Citizenship Test

Bagaman kinakailangan na nakakaunawa ng wikang Ingles, walang hinihing language test para dito ngunit dapat pumasa sa Citizenship Test at masagutan ng tama ang 20 katanungan at 5 Australian values.

Ipinaliwanag ng isa pang migration lawyer na si Eva Abdel-Messiah, ang kailangang score sa pagsusulit para makapasa.

"Five of these 20 multiple-choice questions are based on Australian values, and you're not allowed to have any mistakes in any of them. So, the pass mark for the test is 75%, which allows for some mistakes. "

Sa kasalukuyan, Ang Australian citizenship test ay isinasagawa lamang sa wikang Ingles. Pero may mga panukala sa ilalim ng Multicultural Framework Review na isalin ito sa iba’t ibang wika.

Upang makatulong sa iyong paghahanda, maaari mong basahin ang Australian Citizenship :Our Common Bond booklet bilang gabay.

Mayroon ding inihandang at podcast ng na nagpapaliwanag sa mga nilalaman ng booklet.

Oath Taking Ceremony

Kung pasado sa test magpapatuloy ang proseso ng aplikasyon.

Umaabot ng 8 hanggang sampung buwan ang paghihintay bago makakuha ng kumpirmasyon mula sa Department of Home Affairs at pagtatakda ng petsa ng panunumpa.

Tumatagal naman ng higit isang oras ang seremonya. Sa oras na maisagawa ang Australian Pledge of Commitment, makakatanggap ng certificate na mahalagang dokumento para sa pag-aapply ng iyong Australian Passport na isang patunay nang pagiging ganap na Australyano.


Para sa iba pang pang impormasyon at prosesong nais nyong himayin, wag mag-alala ating isa-isahin sa Pano Ba?


Share