Paano ka maghanda sa Australian Citizenship Test?

Ostrelea Dei Selebresen long Canberra

CANBERRA, AUSTRALIA - ENERO 26: Ipinakita ni Ruth Deva-Prasanna mula sa India ang kanyang bagong Sertipiko ng Pagiging Australian Citizen sa Australian Ceremony. (Photo by Stefan Postles/Getty Images) Credit: Stefan Postles/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

 Ang makamit ang Australian citizenship ay isang kapana-panabik at masayang karanasan para sa maraming migrante. Ngunit upang makamit ito kailangang pumasa sa "The Australian Citizenship Test". Sa pamamagitan nito ay nasusukat ang kaalaman sa kasaysayan, kultura, kaugalian at sistemang pampulitika ng Australia.


Key Points
  • Ang lahat ng paksa para sa Australian citizenship test ay makikita sa citizen test booklet.
  • Ang gamit sa pagsusulit ay wikang Ingles, kaya't kinakailangan mong maunawaan ang wika nang maayos.
  • Maraming lokal na organisasyon sa komunidad ang nag-aalok ng mga klase o session at mga resources para matulungan sa pagsasanay sa Australian citizenship test.
Ang Australia ay isang diverse at multicultural na bansa, may higit sa 270 mga ninuno na kinakatawan.

Ipinagmamalaki nito na sila ang isa sa pinakamatandang kultura sa mundo at tinanggap ang halos 7 milyong migrante mula noong 1945.

May ilang paraan upang mag-aplay para sa Australian citizenship. Pero dapat matuguan muna ang bago mag-apply.

Ang 'conferral' at 'descent' ay ang pinakakaraniwang paraan ng pag-aaplay para sa citizenship.
Ang migration lawyer na si Eva Abdel-Messiah ay tumulong sa daan-daang tao para makakuha ng Australian Citizenship.

Sinabi niya na ang pinakamahalagang pamantayan ay matugunan ang residence requirement. 

Upang matugunan ang kinakailangang residence requirement sa Australya, kinakailangan mong matupad ang tiyak na mga kriterya. Una, dapat kang mamuhay sa Australya nang legal na apat na taon nang walang anumang paglabas ng bansa na lumampas sa 12 na buwan.
Ang panghuling taon ay kinakailangan na permanent resident, hindi temporary resident at hindi nakalabas ng bansa ng higit pa sa 90 araw sa loob ng 12 buwan.
Eva Abdel-Messiah
Bukod sa pagtugon sa residence requirement, ang mga aplikante para Australian citizenship ay dapat labing walong taong gulang pataas at dapat magpakita ng 'magandang katangian' o good character.

Karagdagan sa:
  • ·Dapat may plano na manirahan sa Australia o manatiling konektado habang nasa ibang bansa,
  • Magkaroon ng pangunahing kaalaman sa wikang Ingles, at
  • May kaalaman tungkol sa Australia, at kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang Australian citizen. Upang masuri ito, karamihan sa mga aplikante ay uupo sa Australian citizenship test.
"Kung sila ay mga nasa hustong gulang o matatanda. Kaya mula sa edad na 18 hanggang 59, kinakailangan nilang ipakita na mayroon silang kaalaman sa wikang Ingles. Kinakailangan nilang dumaan sa isang interbyu at Australian citizenship test," paliwanag ni Abdel-Messiah.
KEVIN ANDREWS CITIZENSHIP TEST
Kevin Andrews, Minister for Immigration and Citizenship, ay may hawak na kopya ng Australian Citizenship Test booklet sa Melbourne, Lunes, Okt. 1, 2007 (AAP Image/Andrew Brownbill) Source: AAP / ANDREW BROWNBILL/AAPIMAGE
Kung ikaw ay kwalipikado na maging Australian citizen at nag-aalala ka para sa citizenship test, kinakailangan mong maglaan ng oras sa iyong pag-aaral.

Sinabi ni Abdel-Messiah na layunin ng pagsusulit ng Australian citizen na suriin ang kaalaman at pang-unawa ng isang tao sa kung ano ang kinakailangan upang maging mamamayan ng Australya.

Kasama rito ang pagiging pamilyar sa Australya, ang mga mamamayan nito, mga simbolo nito, mga paniniwala tungkol sa demokrasya, mga karapatan, kalayaan, at estruktura ng pamahalaan.
Kasama rin dito ang pag-unawa kung paano nilikha ang mga batas sa Australia at pagpapakita ng pangako sa mga pangunahing halaga ng bansa, na umiikot sa kalayaan, paggalang, at pagkakapantay-pantay.

binubuo ng 20 multiple-choice na tanong. Sinasaklaw nito ang iba't ibang paksa tulad ng mga simbolo ng Australia, mga makasaysayang kaganapan, istruktura ng pamahalaan, at mga karapatan at responsibilidad sa pagkamamamayan.

"Lima sa 20 multiple-choice na tanong na ito ay batay sa mga kaugalian ng Australia, at hindi ka pinapayagang magkaroon ng anumang pagkakamali sa alinman sa mga ito. Kaya, ang pass Mark para sa pagsusulit ay 75%, na nagbibigay-daan sa ilang pagkakamali."
Ngunit sa seksyon tungkol sa mga kaugalian ng Australia, dapat walang magkamali. Kung magkamali ka ng sagot sa isang tanong, nangangahulugan iyon na bagsak ka sa pagsusulit.
Eva Abdel-Messiah
Inirerekomenda ng Department of Home Affairs website na homeaffairs.gov.au aralin ang mga nakasaad sa opisyal na citizenship test resource booklet, na tinatawag na   "".  

Ang booklet ay isinalin sa 40 wika at maaari mo ring mapakinggan ang laman nito sa pamamagitan ng na nasa website.

Mahahanap sa "Our Common Bond" booklet ang lahat ng itatanong sa pagsusulit. Kaya dapat mo itong intindihin at maglista para mas madaling isaulo.

Maaari ka ding sumailalim sa online practice test mula sa mga website na nag -aalok ng    na halos kaparehas lang ng akwal na test.  
Sinabi ni Eva mas madaling ma-access ang mga nasa phone Apps kaysa link sa mga website mula sa computer

"Ang phone apps ay talagang malaki ang tulong. Kaya palagi kong hinihikayat ang mga kliyente ko na mag-download at gawing mag-aral nito bawat gabi kahit kalahati o isang oras lamang. May mahahanap din na videos tungkol dito."

Dagdag nito mahalagang ma-intindihan ang tatlong branches ng government, ang federal parliamentary system at ang tungkulin ng Governor-General.

Kasama din sa paksa sa citizenship test ang mga mahahalagang Australian events, pati ang mga kontribusyon ng Indigenous at multicultural Australians.

Tandaan ang pagsusulit ay gagamit lamang ng wikang Ingles. Kaya, dapat mong maunawaan nang mabuti ang wika.
Australians Celebrate Australia Day As Debate Continues Over Changing The Date
Si Ngunnawal Elder Tina Brown at mga Indigenous dancers ay nagtatanghal sa flag raising at Citizenship ceremony sa Lake Burley Griffin noong Enero 26, 2020 sa Canberra, Australia. Tinutukoy ng mga katutubong Australyano ang araw bilang 'Araw ng Pagsalakay o Invasion Day' at mayroong lumalaking suporta upang baguhin ang petsa sa ika-1 maaaring ipagdiwang ng lahat ng mga Australyano. (Photo by Wendell Teodoro/Getty Images) Credit: Wendell Teodoro/Getty Images
Maaari kang magsanay sa p agbabasa at maging pamilyar sa bokabularyo upang matulungan kang maunawaan ang mga tanong sa araw ng pagsusulit.

"Kapag ang mga kliyente ay pumupunta sa akin, hinihikayat ko silang maghanda para dito. Bahagi ng paghahanda ay ang pagkikinig at pagbabasa ng mga balita sa wikang Ingles.

Gawin ang mga practice test nang hindi bababa sa isang beses kada linggo. Dahil kapag naglalakad tayo ng aplikasyon ngayon, hindi kaagad ibinibigay ang pagsusulit; mayroong mahabang pagitan na anim hanggang siyam na buwan," sabi ni Abdel-Messsiah.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-navigate sa mga materyales sa website ng Department of Home Affairs website at sa pagpapabuti ng iyong kaalaman sa Ingles, maaari kang makipag-ugnayan sa isa sa maraming lokal na organisasyon sa komunidad para sa tulong.
Halimbawa, ang Multicultural Services sa NSW at sa Victoria, na nag-aalok ng mga session o kurso sa paghahanda ng pagsusulit.

Ang mga organisasyong ito ay may instructor na maaaring magbigay ng gabay dahil may mga karanasan ito at nariyan din ang suporta sa buong proseso, dahil

Ipinapaliwanag ni Vikki Hine mula sa Sydwest kung paano nakatulong ang kanilang mga kurso sa maraming bagong migrante, refugee, at permanent resident na maghanda para citizenship test.
Nangangailangan ng tao ng suporta at tulong sa paghahanda para citizenship test at upang maunawaan kung gaano ito kahalaga para sa inaalok neguridad dahil sa benepisyo nito.
Vikki Hine
Ang kursong ito ay bukas lahat ng migrante ano man ang kanilang background. Kailanman, anuman ang kanilang status bilang refugee, ang sinumang pumupunta sa Australya ay karapat-dapat sa mga Settlement Services ng unang limang taon.

Noong 2014, itinatag ng Sydwest ang unang klase ng pagiging mamamayan sa kanlurang Sydney.

Mula noon, sinasabi ni Hine na libu-libong mga kliyente ang matagumpay na pumasa sa kanilang mga pagsusulit at nakakuha ng citizenship certificates.

"Binibigyan nila ng pansin ang bawat tanong at pinag-uusapan ito upang matutunan ang kasaysayan. Bilang mga grupo, kami rin ay naglalakad-lakad para maipaliwanag ang kalakaran ng lupa. Puwede kaming magpunta hanggang sa Katoomba at pag-usapan ang kasaysayan ng mga manlalakbay na nagbukas sa Australya."
AUSTRALIA DAY 2017 BRISBANE
Hinawakan ng isang Australian citizen recipient ang sertipiko ng pagiging Australian citizen sa ginawang pagdiriwang sa Araw ng Australya sa Brisbane, Huwebes, Enero 26, 2017. (AAP Image/Dan Peled) Source: AAP / DAN PELED/AAPIMAGE

"Gumagana ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng lahat ng mga tanong, intindihin ang mga ito, upang sa gayon ay magkaruon ka ng buong pang-unawa kung ano ang ibig sabihin na makilahok bilang isang Australian citizen," idinagdag ni Hine.



Sinasabi niya na ang pagtanggap sa kultura ng Australya ay magpapahusay sa iyong pang-unawa sa bansa at sa mga kaugalian nito, itoay higit pa sa pagsasaulo ng mga datos at numero ng bansa.

"Sa isang kasiyahan sa sosyal na kalakaran, ito ay tungkol sa barbecue, picnic, at pag-aaral tungkol sa mga halaman at hayop sa nasabing parke. Kaya oo, lahat ay isang karanasan sa pag-aaral."

Ibinahagi rin ni Abdel-Messiah ang mga karaniwang pagkakamali o mga pitfalls na dapat iwasan ng mga aplikante habang sumasailalim sa citizenship test. Inirerekomenda niya sa mga aplikante na basahin nang maayos ang mga tanong, manatili sa loob ng mga limitasyon ng oras, at iwasan ang pagmamadali sa pagpili ng sagot.

"Binibigyan tayo ng tatlong pagkakataon na gawin ang pagsusulit. Ngunit pagkatapos ng ikatlong pagkakataon, walang opsiyon; ito ay tatanggihan na. At pagkatapos ay kailangan nating mag-apply ng bagong aplikasyon," sabi ni Abdel-Messiah.


Share