KEY POINTS
- Pinaliwanag ni Donovan Nufable, isang Family Dispute Resolution Mediator na madalas ang utang na loob ay parang nagiging guilt. Aniya, kung gusto ng kapamilya na tumulong, saka siya dapat tumulong.
- Ang utang na loob ay malalim na nakaugat sa kulturang Pilipino at itinuturing bilang isa sa mga core values. Ang pinagmulan nito ay maaaring maiugnay sa panahon ng pre-kolonyal, kung saan ang mga ugnayang panlipunan at pamilya ay may mataas na pagpapahalaga sa sistema ng pamumuhay na nakabatay sa komunidad ng mga sinaunang Pilipino.
- Nagbahagi ng kanilang opinyon ang mga Pilipino sa Australia at makikita ang mga magkakaibang pananaw tungkol sa usaping ito.
Utang na loob often feels like lingering guilt, and sometimes family members use it to manipulate us. It’s a form of guilt rooted in trauma. I don’t think you owe anyone anything, kung gusto mong tumulong, tutulong ka. In my opinion, walang dapat utang na loob.Donovan Nufable (Family Dispute Resolution Mediator)
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
PAKINGGAN ANG PODCAST
Dapat bang obligahin ang mga anak na tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang?
SBS Filipino
28/11/202409:16
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.