Mabuhay playgroup, binuo para mahasa ang mga batang lumaki sa Australia na magsalita ng wikang Filipino

Mabuhay playgroup

Credit: Supplied- Nikki de Lima

Binuo ng isang ina sa Melbourne ang isang playgroup upang tulungan ang kanyang anak na makisalamuha at mapanatili ang pagiging matatas sa pagsasalita ng Filipino. Kasabay nito layon din niyang mapreserba ang wika.


KEY POINTS
  • Napansin ni inang si Nikki de Lima na kapag nagsimula na ang mga bata sa pag-aaral o daycare, nakakalimutan nila kung paano magsalita ng Tagalog.
  • Ang Mabuhay playgroup ay mayroong 547 na miyembro at nagho-host ng mga pagtitipon dalawang beses sa isang linggo, kung saan humigit-kumulang 30 pamilya ang sumasali tuwing Huwebes at hanggang 50 pamilya tuwing Sabado. Kasama sa mga session ang storytime , mga laro, at mga aktibidad sa sining na idinisenyo upang hikayatin ang mga bata at gawing masaya at makabuluhan ang pag-aaral ng Tagalog.
  • Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga batang bilingual ay may mahusay na performance sa akademiko.
We gather the Filipino families na interested to teach their children to speak in Tagalog para di nila malimutan kasi napansin namin na kapag nag-daycare na sila, nalimutan na nila magsalita ng Tagalog. Language is related with culture. Para ma-maintain and ma-preserve ang Filipino, naghanap ako ng way for her to socialise in Tagalog sa ibang mga bata.
Nikki de Lima
PAKINGGAN ANG PODCAST
UP MABUHAY PLAYGROUP image

Mabuhay playgroup, binuo para mahasa ang mga batang lumaki sa Australia na magsalita ng wikang Filipino

SBS Filipino

20/11/202407:46

Share