Key Points
- Ang mga Overseas Filipino na rehistrado para sa Halalan 2025 sa ilang piling Philippine posts ay sasailalim sa bagong paraan ng online voting mula Abril 13 hanggang Mayo 12.
Ibinahagi ng COMELEC na ang mga rehistradong overseas voters sa 77 Philippine Embassies at Consulates, na katumbas ng humigit-kumulang 1 milyong Filipino, ay gagamit ng bagong paraan ng internet voting para sa 2025 elections.
Sa isinagawang demo ng Comelec para sa Overseas Internet Voting, sinabi ni Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia na malaking tulong ito lalo na para sa mga nahihirapan pumunta ng personal sa mga polling area at walang pagkakataon na maipadala ang balota para sa postal voting.
Narito ang mga hakbang para maisagawa ang pagboto online.
- Maaring gumamit ang anumang electronic device na may camera tulad ng mobile phone, PC, laptop o tablet na naka konekta sa internet.
- Pwedeng gamitin ang anumang browser tulad ng Google Chrome, Mozila Firefox, Microsoft Edge at iba pa.
Eligibility
- Para makibahagi sa internet voting dapat ay isa kang Registered Overseas Voter.
- Nagsara ang pagpaparehistro nng September 30, 2024.
- Dapat ay kabilang ang iyong lugar sa 77 Embasies at Consulates offices na aprubado para sa botohan. Makikita ang buong listahan sa website ng Comelec.
Proseso ng pagpapatala
- Unang dapat gawin ay mag sign up o pre-enroll sa internet voting mula ika-10 ng Marso. Ipopost ang link para sa dito sa mga official website ng COMELEC at DFA.
- Kailangan sa pre-enrollment ang iyong valid-ID, email address at contact details
- Tiyakin na tugma ang detalye na ilalagay sa form sa National Registry of Overseas Voters. Pagkatapos sagutan ang online form, matatanggap sa inyong email ang 6 digit one-time passcode or OTP na kailangan para maverify ang inyong enrolment.
- Kasunod nito ay kukunan mo ng picture ang iyong sarili gamit ang inyong device at kailangan nyo rin kunan ng picture ang inyong ID.
Paalala ng COMELEC dapat tiyakin na hindi expired ang ID o passport na gagamitin sa pagpapatala. - Kapag matagumpay na naisagawa ang verification, makakatanggap ka iyong email ng link para ma-aaccess ang Voting Portal. Ito naman ang opisyal na page para sa pagboto.
Lahat ng mga registered overseas voters ay hinihikayat na bumoto online. Prayoridad na bumoto sa mga kiosk ng embassy at consulates ay ang mga senior, may kapansanan, buntis at nangangailangan ng tulong sa pagbabasa at pagsusulat.
Ang online voting test period ay magsisimula ng ika-10 Marso at magsasara sa ika-12 ng Abril para makapag practice at masubukan mo kung gumagana ang website.
Ang opisyal na petsa ng pagboto naman ay magsisimula ng ika-13 ng Abril 2025 hangang ika-12 ng Mayo 2025.
Makakatanggap ka ng opisyal na voting portal link sa iyong nirehistrong email address or mobile number.
Maari naman bisitahin ang social media page ng Office for Overseas Voting PH at Comelec para sa dagdag impormasyon.
Paalala naman ni Communication and Records Officer of the Philippine Consulate in Sydney and VRM Operator Amado Uayan JR. na mahalaga na gamitin ang karapatan sa pagboto saan ka man nakadestino.