Key Points
- Ang Australia Day ay sumisimbolo ng pagsisimula ng kolonisasyon sa Australia. Ito ang araw kung kailan unang itinaas ng mga Briton ang Union Jack flag sa Sydney Cove noong 1788.
- Ang Enero 26 ay nagmamarka ng simula ng kolonisasyon ng mga Briton, isang mapait na bahagi ng kasaysayan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islanders.
- Lumabas sa mga survey karamihan sa mga Australians ay nais na manatili ang Australia Day sa Enero 26.
Ang January 26 o Enero 26, ay opisyal na tinaguriang Australia Day, ito ang national day ng bansa. Ngunit para sa mga Indigenous people o katutubo, at sa dumaraming bilang ng mga Australians, hindi ito araw ng pagdiriwang.
Sabi pa ni Boe Spearim, isang aktibista at podcaster na mula sa mga Gamilaraay, Kooma, at Murrawari, ay nakakaramdam siya ng lungkot habang papalapit ang araw na ito.
“For me, once I get to the day, the morning, it feels like I'm going to a funeral. I know something bad has happened. It's a very sombre feeling.”
Bakit sa petsa Enero 26 ang Australia Day
Ang petsa na January 26 o Enero 26 ay sumisimbolo ng pagsisimula ng kolonisasyon sa Australia. Ito ang araw kung kailan unang itinaas ng mga Briton ang Union Jack flag sa Sydney Cove noong 1788.
Ang Australia Day ay ginugunita tuwing Enero bente sais simula pa noong 1935, ngunit naging opisyal na nationwide public holiday lamang ito noong 1994.
Para sa ilang Australians, ipinagdiriwang nila ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng barbecue kasama ang pamilya at mga kaibigan, pagpasyal sa beach, o panonood ng fireworks sa iba’t ibang events sa buong bansa. Maraming citizenship ceremonies din ang ginaganap sa petsang ito.
Ngunit mula pa noong 1938, itinuturing na "Day of Mourning" ang January 26 ng mga ga Aboriginal at Torres Strait Islander people.
Dumarami rin ang mga Australians na tumatangging ipagdiwang ang araw na ito at nananawagan na ilipat ang national holiday sa ibang petsa.
Bakit tinaguriang masalimuot para Indigenous Australians?
Ipinaliwanag ni Dr. Summer May Finlay, isang Yorta Yorta woman at senior lecturer sa University of Wollongong, na ang January 26 ay isang masalimuot na araw para sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander dahil ito ang araw na nagsimula silang agawan ng lupa at mawalan ng koneksyon sa kanilang kultura.
“It’s the start of racism, it's the start of discrimination, it’s the start of a time where our people were disenfranchised from the community and the country that our ancestors have been walking on for 65, 000 years.”
Ang kolonisasyon ng Briton ay nagdulot ng matinding pagdurusa sa mga Indigenous Australians. Naranasan nila ang pag-agaw sa kanilang lupa, mga masaker, pagkalat ng mga sakit na dala ng mga dayuhan, at sapilitang pagkuha ng kanilang mga anak.
Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang epekto ng kolonisasyon, kabilang na ang tinatawag na systemic discrimination, poor health outcomes, at overrepresentation sa justice system.
Kaya hinimok ni Dr. Finlay ang lahat ng Australians na alamin at unawain ang tunay na kasaysayan ng kanilang bansa.
“I think Australia is a wonderful country in many ways. I'm sure people who come to this country and are new citizens will acknowledge and recognise that. But at the same time, we have a history in this country that isn't great and isn't particularly well-acknowledged.”
Baguhin, kilalanin o tanggalin ang petsa?
Ipinapakita ng mga survey na . Ngunit taun-taon, dumarami ang mga taong gustong baguhin ang petsa ng national holiday.
Maraming Indigenous Australians ang nais ilipat ang petsa, bagamat ang ilan ay mas binibigyang-halaga ang pagkilala sa kasaysayan nito kaysa sa pagbabago ng araw. Ang iba naman, tulad ni Boe Spearim, naniniwalang dapat na itong tuluyang tanggalin.
“It's about abolishing the colonial understanding that this country was settled peacefully or that what has happened to Aboriginal people shouldn't be acknowledged, when it should be. And it's just to remind rednecks and racists and the mainstream public that you can't celebrate genocide anymore, it's not ok,”.
People gather outside Victorian Parliament for the Invasion Day rally, 2024. Source: AAP / Diego Fedele
Paano ipagdiwang na puno ng respeto ang Enero 26
Ang mga Indigenous groups ay nag-oorganisa ng mga martsa, rally, dawn service, at mga kultural na aktibidad sa buong bansa tuwing Enero 26, at tinutukoy nila ang araw bilang "Invasion Day" o "Survival Day."
Inilarawan ni Dr. Finlay kung paano nagaganap ang araw na ito at kung sino ang maaaring makilahok:
“The marches are peaceful marches through the streets, as a protest. I participated in a couple of marches in Melbourne when I lived down there. And it’s a fantastic way for families to get together, whether they’re Aboriginal and Torres Strait Islander families, whether they’re non-Indigenous families.”
Si Rana Hussain, isang board member ng Reconciliation Australia, isang not-for-profit na organisasyon na nagtataguyod ng pagkakasundo sa pagitan ng mga Indigenous at hindi-Indigenous na Australians, ay nagsabi na ang mga pagtitipon na ito ay nagbibigay ng pag-asa at pagkakaisa:
“You get that sense of solidarity, and often you do get that sense of hope being with community. As allies, I think it's really important that we stand behind First Peoples as they push for changing the date or more acknowledgement of what this day actually means for them.”
Maraming konseho ang hindi na nagdaraos ng mga events ng Australia Day at mga citizenship ceremonies tuwing Enero 26. Ang ilang mga lugar ng trabaho nagbibigay ng opsyon sa kanilang mga empleyado na magtrabaho sa araw na iyon at kumuha ng ibang araw na bakante bilang kapalit.
New Australian citizens, Broken Hill, NSW Source: AAP / STUART WALMSLEY
Paano maipapakita ng mga migrante ang kanilang pakikiisa sa mga Indigenous Australians
Naniniwala si Spearim na ang mga migrante, marami sa kanila ang nakaranas ng digmaan at pananakop, ay maaaring sumuporta sa mga pinagdaanan ng mga Indigenous Australians.
“It's amazing that people come here and find some kind of peace. Since the 26 of January 1788, we have not found justice, we have not found peace,”
Ayon kay Rana Hussain, dapat na bigyang halaga o pansin ang isyu ng Enero 26 ng ahat ng Australians, hindi lang nilang mga Indigenous people.
“I think for a lot of people, they think that this complication and sadness and grief is only sitting with First Nation peoples, but anybody who understands the significance of that day can only feel complicated about it. And for me, being the child of Indian migrants, we have our own history of colonisation and British colonialism.”
Bilang isang second-generation migrant, nauunawaan ni Hussain kung bakit nais ng maraming migrante na ipagdiwang ang kanilang bagong identity o pagkakakilanlan.
Ngunit naniniwala siya na kailangan ng lahat ng Australians ng seryosong pag-uusap tungkol sa tunay na kasaysayan ng ating bansa bago tayo makahanap ng isang inclusive na paraan upang ipagdiwang ito.
“I think we have to have that conversation as a country, and then we can talk about what day we want to celebrate all of that history and recognise all that history and then come together. You know, what’s the appropriate day to unify all of us.”
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa iba pang mahahalagang impormasyon at mga tips tungkol sa pagsisimula ng iyong bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o ideya ng paksang nais pag-usapan? Mag- email sa amin sa