Key Points
- Parami nang parami ang kababaihang nawawalan ng tirahan dahil sa pagtakas mula sa karahasan sa tahanan.
- Ang mga serbisyong sumusuporta sa mga walang tirahan ay kadalasang nagbibigay ng tulong na lampas pa sa pansamantalang matutuluyan.
- Kapag ligtas na, maaari kang maghanap online ng mga helpline at serbisyo sa iyong estado o teritoryo.
- Tumawag sa 1800RESPECT para sa tulong sa pabahay kung ikaw ay tumatakas mula domestic at family violence.
Mahigit sa one hundred twenty-two thousand katao ang homeless o walang tirahan tuwing gabi sa Australia ayon sa huling Census ng taong 2021.
Ang mapabilang sa homeless ay hindi lamang nangangahulugan ng walang sariling bahay na matutuluyan. Kasama rin dito ang tinatawag na "hidden homelessness," tulad ng pagtira sa sobrang siksikang bahay, panandaliang pagtuloy sa bahay ng iba, pagtulog sa sasakyan, o pananatili sa crisis accommodation.
At karaniwang mga non-government organisations ang nagbibigay ng crisis accommodation gamit ang pondo mula sa estado o federal government.
Para kanino ang crisis accommodation?
Ang crisis accommodation ay nangangahulugang ligtas at secure na pansamantalang tirahan para sa mga tao na agarang nangangailangan ng tulong dahil sa iba't ibang sitwasyon.
- Para sa mga nawalan ng trabaho,
- hindi kayang mag-renta ng bahay
- kahirapan,
- may sakit o mental health issues.
- mga kababaihang biktima ng domestic at family violence
Ayon kay Annabelle Daniel, CEO ng Women’s Community Shelters (WCS), tumutulong sila makakuha ng crisis accommodation silang mga kababaihan at mga kabataan na tumakas sa pang-aabuso.
Maaaring bumisita o tumawag sa mga tanggapan ng Women's Community Shelters sa buong NSW o kaya tumugo sa womenscommunityshelters.org.au.
There is no need to be in isolation around this. There is plenty of wonderful expertise and lots of communities that will support you and assist you.Annabelle Daniel, CEO, Women's Community Shelters
Homeless young invalid man sitting in wheelchair on the street Credit: LaraBelova/Getty Images
Mga helplines na pwedeng tawagan o puntahan sa oras ng karahansan What about others escaping domestic and family violence?
Safe Steps - itoy 24/7 family violence crisis service sa Victoria.
Tumutulong sila sa mga tao, anuman ang edad, kasarian, sekswalidad, kakayahan, o visa status, upang makakuha ng espesyal suporta para makaligtas sa domestic at family violence.
Tumutulong sila sa mga tao, anuman ang edad, kasarian, sekswalidad, kakayahan, o visa status, upang makakuha ng espesyal suporta para makaligtas sa domestic at family violence.
Tumawag sa Safe Steps kahit anong oras sa 1800 015 188, mag-email sa safesteps.org.au o sa Web Chat.
When people are assessed as being at serious risk they can be directed to crisis accommodation services. Source: Getty / David Freund
Ang Salvation Army ay tumutulong ng halos 40,000 kataong homeless at nagbibigay ng 850,000 crisis beds taun-taon.
There is more demand than we can meet. Source: Getty / imamember
Ilang crisis accommodation services:
Tumawag sa 1800RESPECT para sa housing support para sa mga taong nakaligtas mula sa domestic and family violence
Crisis payment for people in extreme circumstances
Ayon sa Services Australia maaaring makakakuha sila ng crisis payment mula sa gobyerno.
If you meet the requirements, I strongly encourage you to contact us right away, because you need to apply for a crisis payment within seven days of the event.Justin Bott, Services Australia
Ang Services Australia ay may multilingual phone service 131 202, at ang website ay isinalin sa iba't ibang wika.
Tumutulong sila sa pag-proseso ng crisis payment kahit nilang walang permanenteng tirahan.