Paano makakahanap ng trabaho sa Australia?

Australia Explained - Job Applications

Male job applicant talking to manager human resources.man interviewing at company.smiling business men chatting cheerfully Source: Moment RF / Me 3645 Studio/Getty Images

Sa Australia, karamihan sa mga oportunidad sa trabaho ay hindi ina-anunsyo, kaya para makahanap ng trabaho, kinakailangan nating maunawaan ang Australian labor market at lumikha ng sariling mga pagkakataon. Ang pag-access sa hidden job market at matutunan ang migrant employment services ay makakatulong para makahanap ng trabaho.pagtatrabaho.


Key Points
  • Ang karanasan sa pagtatrabho sa ibang bansa sa loob ng walong taon bilang Chef ni Emmanuel Recio o mas kilalang si Chef Emman ay nakakatulong para mabilis ang kanyang adjustment sa industriya nang makarating dito sa Australia. Ang mga employment websites, social media at koneksyon sa komunidad ay may malaking tulong sa kanyang paghahanap ng trabaho sa hospitality sector.
  • Ang pag-access sa job market ay magpapataas ng iyong tsansa na makahanap ng trabaho.Ang mga employment services para sa migrante at refugee ay maaaring makatulong para mapabilis para makakuha ng trabaho.
  • Isaalang-alang ang pagsusuri sa mabilis na lumalagong sektor tulad ng pag-aalaga o care, hospitality, at women in trades.
Sa bansang Australia ang paghahanap ng trabaho o job hunting ay kinokonsidera na isang 'serious business'.

Kaya sa sandaling dumating ka sa Australia, mahalaga na agad na suriin ang iyong mga karapatan sa trabaho at aktibong hanapin ang mga oportunidad sa trabaho.
"Huwag hintayin na ibigay sa'yo ang trabaho," payo ni Agnes Kemenes, ang Principal Lawyer ng NB Migration Law.

"Kailangan malakas ang iyong loob na lumabas at maghanap ng trabaho. Wala nang ibang maghahanap ng trabaho para sa'yo."

Sa karanasan ng batang Chef na si Emmanuel Recio o mas kilalang Chef Emman, dahil sa walong taong ginugol sa pagtatrabaho bilang chef sa Middle East countries, nakatulong ito para madaling maka-adjust sa Australian labor market.

Malaki din ang tulong ng mga employment website at koneksyon nito sa Filipino community dito sa Australia para makahanap ng trabaho.
Chef Emmanuel Recio, is  a chef and pursue his passion in modelling.jpg
After nearly two years of residing in Sydney, Australia, Chef Emmanuel Recio successfully balances his work as a chef at an aged care facility with his passion for modeling. Credit: Emmanuel Recio/ FB

Chef Emmanuel Recio Modelling career.jpg
Chef Emmanuel Recio showcases Filipino traditional costumes as part of his modeling career. Credit: Emmanuel Recio

Chef Emmanuel in Australia.jpg
Chef Emmanuel Recio said that being connected with the Filipino Community has been a significant help in advancing his career here in Australia. Credit: Emmanuel Recio/ FB

Paggamit ng Employment websites at agencies

Ang Employment websites tulad ng Seek, CareerOne at Jora, at social media platformst gaya ng LinkedIn ay nagbibigay ng mahalagang kaalaman sa mga uri ng trabaho na makikita at sa mga sektor na nangangailangan ng mga empleyado.

Maaari ding makipag-ugnayan sa mga recruitment at labour-hire agencies. Ang recruitment agencies sumusubok na ilagay ka sa permanenteng o kontraktwal na mga posisyon sa mga employer at nagpapatong sa kanila ng bayad. Ang "labour hire" ay nag-aalok ng direktang empleyo sa'yo, ngunit kanilang ipinapahiram ka sa ibang mga employer.
Australia Explained - Job Applications
Recruitment, Job application, contract and business employment concept. Hand giving the resume to the recruiter to review the profile of the applicant. Source: Moment RF / Narisara Nami/Getty Images

Makipag-ugnayan sa hidden job market

Dahil hindi lahat ng trabaho ay isinasapubliko, may mga nakakapagtrabaho sa pamamagitan ng referral ng kakilala o koneksyon, nandyan din ang social media tulad ng Facebook.

Migrant at refugee employment services

Ang Employment Services, ay g isang national not-for-profit organisationna Settlement Services International (SSI), nagbibigay din sila ng trainings tulad ng kung paano magsimula sa application sa trabaho at paggawa ng mga paperworks para sa mga migrant at refugees.

Ang SSI ay tumutulong din para tumugma ang skill ng isang migrant sa kung ano ang available na trabaho sa local market dito sa Australia.

Maliban sa SSI nariyan din ang na layunin nito na tanggalin ang mga balakid sa paghahanap ng trabaho ng mga migrant workers at refugee sa pamamagitan ng Federal Government's Workforce Australia program. Ayon kay Laurie Nowell, Public Affairs Manager sa AMES Australia, kanilang isinusulong o binibigyang-diin nila ang skill, strengths, qualifications at training ng mga ito.
Layunin ng Employment Mentoring Program na mapabilis ang mga landas ng mga migrante patungo sa trabaho o makahanap ng trabaho.
Laurie Nowell, Public Affairs Manager at AMES.
Ang AMES ay nagpapatupad din ang upang ipakilala ang mga propesyonal na migrante sa Australian workplace.
Portrait Of Female Aboriginal Australian Worker
Portrait Of Female Aboriginal Australian Worker On Solar Farm wearing Hi-Vis Workwear Credit: Thurtell/Getty Images

Mga Babae sa trade sector

'Connecting Women to Trades' ay isang inisyatibo ng pamahalaang estado ng NSW.

Pinamumunuan ito ng SSI, at itinataguyod ang kakayahan at kamalayan para sa mga negosyo at kababaihan na pumapasok sa mga trabaho sa kasanayan o sektor ng konstruksiyon.

Isaalang-alang ang pag-aalaga o care at industriya ng hospitality

AMES Australia nagbibigay din sila ng mga vocational training, lalo't sa sektor na ito ay maraming mahahanap na trabaho.

Ang care industry ay isa sa pinakamalaking sektor na nagbibigay ng trabaho sa halos 2 milyong katao at inaasahang tataas pa sa 2.5 milyon sa taong 2025.
[Laurie Nowell, Public Affairs Manager, AMES Australia]
Australia Explained - Job Applications
A high angle view of a businesswoman talking to one of her colleagues while siting at her desk in the office. Credit: Willie B. Thomas/Getty Images

Ang benepisyo ng volunteer work

Dagdag payo ni Agnes Kemenes tataas din ang tsansa na makuha ang isang trabaho kung mag-aalok ng ilang buwang voluntary work.

Kapag masaya ang kumpanya sa iyong trabaho at dedikasyon, maaaring itong magbunga at aalokin ka ng paid position.

At inirerekomenda ni Kemenes ang pagsusuri sa mga antas ng sahod.


Share