Key Points
- Ayon sa mga dalubhasa nasa early stage pa ang research at kinakailangan ng maraming beses na clinical trial ang isang gamot bago ito maaaring gamitin ng tao.
- Ikinababahala din ng mga siyentipiko na ang impormasyong ito ay nakuha na ng mga anti-vaxxer o hindi naniniwala sa bakuna at COVID.
- Lumabas sa mga pag-aaral, ang bawang o garlic ay nakakatulong para mapalakas ang immune system, nagpapababa ang high blood pressure at kolesterol level, nakakatulong din para maiwasan ang sakit na kanser, naglalaman din ito ng antibiotic properties, nakakatulong din para makaiwas sa dementia at Alzheimer's disease, nagpapabuti sa performance ng isang atleta at nakakatulong para tanggalin ang toxins sa katawan ng tao.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.