Key Points
- Ang Long COVID ay hindi parehas ang epekto sa katawan ng tao.
- Ang Long COVID ay nagpapakita ng mga sintomas tulad ng sobrang pagkapagod, hirap sa paghinga, problema sa konsentrasyon o pag-iisip at pagtulog, pagkahilo, patuloy na ubo, pananakit ng dibdib, hirap sa pagsasalita, masakit na kalamnan at kasu-kasuan, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, depresyon o kabalisahan, at lagnat.
- Sinabi ni Professor Trevor Kilpatrick, ang direktor ng Florey Institute of Neuroscience and Mental Health, na mahalaga para sa mga klinika, ospital, GP, at mananaliksik na magtulungan upang magkaroon ng kahalintulad na pag-approach sa Long COVID.
Sa Australia, mula Enero 3, 2020 hanggang Abril 26, 2023, mayroong 11,206,733 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, umabot sa 20,119 ang namatay, na iniulat sa WHO.
At nito lang buwan ng Marso 23, 2023, umabot sa 65,492,360 na dosis ng bakuna ang naibigay sa mga residente.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.