'Early detection saves lives': Bakit mahalaga ang breast screening

Breast Cancer Awareness Month

Breast Cancer Awareness Month Source: Getty / Getty Images

Ang kanser sa suso ang pangalawang pangunahing sanhi ng kamatayan na may kaugnayan sa kanser sa mga kababaihan sa Australia. Ang maagang pagtuklas at napapanahong paggamot ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang mga panganib at makamit ang positibong resulta.


KEY POINTS
  • Sa Australia, 1 sa bawat 7 kababaihan ang na-diagnose ng breast cancer sa kanilang buhay. Kahit ang mga kababaihang walang kasaysayan ng sakit sa kanilang pamilya ay nasa panganib. Sa katunayan, 9 sa bawat 10 na mga kababaihan na na-diagnose ng breast cancer sa Australia ay walang kasaysayan ng sakit na ito sa kanilang pamilya.
  • Ayon kay Jeralyn Serdan, ang maagang pagtuklas ay makabuluhang nagpapabuti sa mga antas ng kaligtasan at nagdadala ng mas kanais-nais na resulta sa paggamot.
  • Ang BreastScreen Australia ay ang pambansang programa na aktibong nag-iimbita sa mga kababaihan na may edad 50 hanggang 74 para sa libreng mammogram. Ang mga kababaihan na lampas sa 74 na taon at ang mga nasa edad 40 hanggang 49 ay maaari ring makakuha ng libreng mammogram ngunit hindi makakatanggap ng paanyaya.
Breast cancer can be very small, kasing liit ng butil ng bigas, dahil maliit hindi mo pa mafe-feel wala kang mararamdaman na sintomas kaya ang breast screening ay mahalaga. Ang focus dito sa Australia ay edad 50-70 pero nilawakan na nila ang age para kahit yung age 40 pwede na magbreast screen for free.
Jeralyn Serdan of BreastScreen NSW

Share