KEY POINTS
- Binahagi ng Specialist GP na si Dr. Angelica Logarta-Scott ang kahalagahan ng panukalang ito sa mga hamong kinakaharap ng mga kababaihan pagdating sa reproductive health, mula sa mga isyu sa menstrual health at fertility hanggang sa mga kondisyon tulad ng PCOS, endometriosis, at iba pang pisikal at emosyonal na suliranin.
- Sa kasalukuyan, ang reproductive leave ay inaalok lamang sa ilang piling lugar ng trabaho sa Australia. Kamakailan lamang ay inaprubahan din ng pamahalaan ng Queensland ang pagpapatupad nito.
- Kinikilala ng pagsulong na ito ang malaking epekto na maaaring idulot ng reproductive health sa kalusugan at produktibidad ng mga manggagawa.
PAKINGGAN ANG PODCAST
Bayad na reproductive leave, sinusulong
SBS Filipino
21/11/202413:29
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.