Paano hinarap ng dalawang Pilipino ang hindi inaasahang diyagnosis ng Bell’s Palsy

Dax and Gaby

Credit: Supplied SBS Filipino

Habang nasa tugatog ng kani-kanilang mga karera, hinarap nina Dax at Gaby ang isang hindi inaasahang hamon sa kalusugan nang pareho silang ma-diagnose ng Bell’s Palsy. Ang kondisyong ito na nakakaapekto sa mga kalamnan ng mukha ay nagdala hindi lamang ng mga pisikal na hadlang kundi pati na rin ng mga emosyonal at mental na pagsubok.


KEY POINTS
  • Habang tinatahak nila ang pagbabagong ito sa buhay, nagpasya sina Dax at Gaby na ibahagi ang kanilang karanasan upang magbigay-liwanag sa Bell’s palsy, itaas ang kamalayan, at magsilbing inspirasyon sa iba na maaaring harapin ang katulad na mga hamon.
  • Ayon sa Royal Australian College of General Practitioners, ang Bell's palsy ay ang biglaang panghihina ng facial nerve sa isang bahagi ng mukha na resulta ng mababang motor neuron dysfunction at mula sa hindi malamang dahilan.
  • Si Dax Carnay-Hanrahan ay isang multi-talented na artist, manunulat, at aktor, habang si Gabriela Luis Martinez ay nagtatrabaho bilang isang supervisor sa industriya ng pagkain at inumin.
Habang uminom ako ng tubig, it started to fall on a different side of my face, na feel ko na numb na so pumunta ako sa bathroom and I saw my face sa mirror that’s when I called my friend who is nurse tapos dumerecho na sa ER.
Gabriela Luis Martinez
Noong araw na na-diagnose ako, nagshow po ako ng gabing yon. Yung mukha ko hindi gumagalaw but everything else was normal. Nilaban ko lang talaga. Sobrang nadurog ako, sa ospital pa lang naiiyak ako kasi ito ang trabaho ko yung mukha ko dito nakabase ang kabuhayan ko.
Dax Carnay- Hanrahan
PAKINGGAN ANG PODCAST
HP BELL'S PALSY image

Paano hinarap ng dalawang Pilipino ang hindi inaasahang diyagnosis ng Bell’s Palsy

SBS Filipino

03/10/202415:08
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.

Share