KEY POINTS
- Unang narinig ni Jennifer ang mga salitang nagbago sa kanyang buhay, "Mayroon kang breast cancer," noong siya ay 45 taong gulang. Noong panahong iyon, isa siyang ina sa tatlong batang lalaki, at ang kanilang kinabukasan ang nasa isip niya.
- Sa loob ng 21 taon, nag-remission si Jennifer mula sa cancer, pinagtuunan niya ng pansin ang pagpapalaki sa kanyang mga anak at ang pag-enjoy sa buhay. Ngunit noong 2021, sa edad na 67, muling bumaliktad ang kanyang mundo nang siya ay na-diagnose ulit ng breast cancer sa ikalawang pagkakataon.
- Pinili niyang magpa-mastectomy taong 2021 sa paniniwalang "If I beat it once, I’ll beat it again."
- Ayon sa National Breast Cancer Foundation, mahigit sa isang-kapat na milyon na mga tao sa Australia ang nakaranas ng diagnosis ng breast cancer.
On remission ako for 21 years after my first diagnosis at 45 years old. After my mammogram noong 2021, I was 67 years old, tumawag ang oncologist ko and told me you got cancer again. My doctor recommended to do mastectomy.Jennifer Limbo Dy
We are blessed kasi nandito tayo sa Australia na ang support is full on, na hindi mo na kailangan ng maraming pera para magamot ka. Ang acceptance is ang dapat mong gawin pag nadiagnose ka ng breast cancer.Jennifer Limbo Dy
PAKINGGAN ANG PODCAST
'My main goal is to survive for my children': Breast cancer survivor nalabanan ang sakit ng dalawang beses
SBS Filipino
17/10/202412:55
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.