Mga eksperto muling itinulak ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 at trangkaso dahil sa tumataas na bilang ngayong taglamig

A health worker displays the flu vaccine at a free flu vaccination at the Melbourne Town Hall in Melbourne, Friday, April 29, 2022. (AAP Image/Con Chronis) NO ARCHIVING

A health worker displays the flu vaccine at a free flu vaccination at the Melbourne Town Hall in Melbourne, Friday, April 29, 2022. Source: (AAP Image/Con Chronis)

Kasabay ng tumaas na bilang ng bagong sub-variant ng Omicron, sumipa na din ang kaso ng may trangkaso sa bansa, kaya mga eksperto muling nanawagang magpabakuna laban dito.


Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Health experts push COVID-19 and flu vaccine message again as winter case numbers rise image

Health experts push COVID-19 and flu vaccine message again as winter case numbers rise

SBS Filipino

05/07/202205:14
Dahil sa ipinatupad na COVID lockdown noong 2021 mababa ang bilang ng mga tinamaan ng trangkaso nitong panahon ng taglamig.

Subalit nitong taong 2022 pumalo sa higit 147,000  [147,155] ang kaso. Umabot naman sa halos isang libong katao o 989 ang na-ospital kumpara sa isang kaso noong nakaraang taon.


Highlights

  • Mga tinamaan ng trangkaso inilarawan ang karamdaman na 'nakakatakot'
  • Kasabay ng trangkaso, ang bagong ng sub-variant ng Omicron na maaaring umiwas sa bisa ng bakuna ay tumataasang kaso at inaasahang maglalagay ng higit pang strain sa mga ospital.
  • Mga eksperto nagbabala rin laban sa tumataas na kaso ng Respiratory syncytial virus o RSV ngayong taglamig 

 

Sa datos na nakuha nitong 19 Hunyo nakapagtala ng 54 katao ang namatay dahil sa trangkaso. Dahil dito ginawa ng awtoridad na libre ang bakuna para sa lahat.

Samantala, ang kaso ng sub-variant ng Omicron na maaaring umiwas sa bisa ng bakuna ay tumataas at inaasahang maglalagay ng higit pang strain sa mga ospital.

Ito ay tinatayang mangingibabaw na strain sa Victoria, kasunod sa pagkalat ng virus sa New South Wales at Queensland.

Ayon kay Dr  Sean Yao ang trangkaso ay kumakalat kasabay ng COVID at maaaring magdulot ng sakit sa maraming tao, lalo na sa mga matatanda at may iniindang sakit sa komunidad.

Maliban sa trangkaso, inabisuhan ang mga residente na manatili sa kani-kanilang bahay kapag hindi maayos ang pakiramdam, dapat panatilihing up to date sa bakuna kontra COVID, magsuot ng masks sa mataong lugar at higit sa lahat kung makikipagkita sa iba, gawin ito sa labas kung saan mas presko ang hangin.

"Flu is a virus that has a respiratory effect on people. Due to open borders, it has seen high spikes from early May to now - almost a hundred thousand cases now across the country - it is bad and it causes people to be sick; not work' and not study. The vaccine is the most effective way to deal with it."


Share