Higit 100 katao inaresto at kinasuhan ng antisemitism: marami pang kailangang gawin ayon sa mga eksperto

Police vehicles outside the pre-school targeted by an arson attack (SBS).jpg

Police vehicles outside the pre-school targeted by an arson attack. Credit: SBS

Isang pagpupulong ng Pambansang Gabinete ay nagbigay ng bagong impormasyon sa mga pagsisikap ng pulisya na labanan ang anti-semitism o poot o galit laban sa mga Jewish. Ang isyu ay nagiging isang pangunahing isyu sa halalan sa Australia.


Key Points
  • Sa New South Wales, kinasuhan ng pulisya ang tatlumpu't anim na tao ng mga paglabag na may kaugnayan sa anti-semitism, kabilang ang sadyang pagsira sa mga gusali at sasakyan sa Woollahra, at kahina-hinalang sunog sa Bondi. Sa Victoria, pitumpung pag-aresto ang ginawa.
  • Ang pinakahuling insidenteng ito ay kasunod ng pagtatag ng isang taskforce ng AFP na tinawag na Special Operation Avalite, na nilikha matapos ng isang arson attack sa Adass Israel Synagogue sa Melbourne noong Disyembre.
  • Isinasagawa rin ang isang parliamentary inquiry sa Antisemitism sa mga kampus ng unibersidad, at higit sa $50-milyon ang inilaan para sa mga hakbang sa kaligtasan at seguridad sa mga sinagoga at mga Jewish school.
LISTEN TO THE PODCAST
More than 100 people arrested and charged with antisemitism: experts say more needs to be done in Filipino image

More than 100 people arrested and charged with antisemitism: experts say more needs to be done

SBS Filipino

22/01/202511:51

Share