‘Use it consistently’: Paano tinuturo ng ilang mga magulang ang wika sa anak na dito na lumaki sa Australia

Mother and daughter

Teaching children the Filipino language can be a challenge for some parents.

Ayon sa Australian Bureau of Statistics, ang mga Pilipino ay bumubuo ng 1.2% ng kabuuang populasyon ng Australia, nagpapakita na ito ay isang lumalaking komunidad. Ngunit, habang lumalawak ang komunidad, marami namang mga batang Pilipino ang nawawalan ng koneksyon sa kanilang pinagmulan at kadalasan ay hindi na sila marunong gumamit ng sariling wika.


KEY POINTS
  • Ipinaliwang ni Dr. Loy Lising, isang sociolinguist at senior lecturer mula sa Department of Linguistics ng Macquarie University, na ang ilang batang Pilipino ay nahihirapan magsalita ng kanilang katutubong wika dahil sa iba't ibang dahilan.
  • Binigyang-diin niya na mahalaga ang pagtuturo ng wikang Filipino kahit nasa Australia na. Bagaman mahirap, ang pagiging consistent at intentional sa pagtuturo ay mahalaga para mapreserba ito.
  • Ilan sa mga ina ang gumagamit ng iba't ibang estratehiya upang ituro ang wika sa kanilang mga anak, kabilang ang paggamit ng mga libro, kanta, kwento, at flashcards.
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
PAKINGGAN ANG PODCAST
UP TEACHING FILO  image

‘Use it consistently’: Paano tinuturo ng ilang mga magulang ang wika sa anak na dito na lumaki sa Australia

SBS Filipino

08/08/202414:30

Share