‘Alkansya, paluwagan o money jar’: Pa’no ba turuan ang mga bata na mag-ipon?

pexels-skitterphoto-9660.jpg

In the Philippines, traditional saving methods like the alkansya, barya, and paluwagan are popular. In Australia, some use the money jar.

Kung sa Pilipinas ay may alkansya, barya at paluwagan, sa Australia ay may money jar. Ang pag-iipon ay isang mahalagang life skill na dapat ituro sa mga anak.


KEY POINTS
  • Ayon sa pananaliksik ng ASIC, nararanasan ng mga Gen Z ang matinding stress sa usaping pinansyal dahil sa mataas na antas ng utang.
  • Isang eksperto sa finance ang nagsabi na walang tiyak na edad para ituro ang konsepto ng pag-iipon; ito ay nakasalalay sa kahandaan ng inyong anak.
  • Ibinahagi ng eksperto ang kahalagahan ng palagiang pag-uusap tungkol sa pera, pag-diin sa kahalagahan ng pera at pagiging mabuting halimbawa sa mga bata.
Ipinapakita ng pananaliksik mula sa ASIC na ang mga Gen Z ay nakararanas ng matinding stress sa usaping pinansyal dahil sa mataas na antas ng utang. Ipinapakita ng problemang ito ang kahalagahan ng pagiging marunong sa pananalapi. Bilang magulang, mahalagang simulan ang pagtuturo sa mga bata ng kahalagahan ng pag-iipon.

Sa episode na ito ng Usapang Parental, nagbahagi ang finance expert at isa ding ama na si Jerry O'Brien ng mahahalagang payo kung paano magtanim ng mabuting mga gawi sa pag-iipon ng mga bata.

Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
PAKINGGAN ANG PODCAST
UP HOW TO TEACH KIDS ABOUT SAVING image

‘Alkansya, paluwagan o money jar’: Pa’no ba turuan ang mga bata na mag-ipon?

SBS Filipino

18/07/202411:17
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.

Share