Kakulangan ng Filipino playgroup sa Cairns, nagtulak sa isang ina na magbuo

Cairns Filipino playgroup

First Filipino playgroup in Cairns, Queensland

Sa pagsisikap na iugnay ang kanyang anak na Filipino-Japanese sa kanyang pinagmulan ay binuo ng first time mum na si Lara Aoyagi ang kauna-unahang Filipino playgroup sa Cairns, Queensland.


KEY POINTS
  • Ayon sa Australian Institute of Family Studies na ang mga pamilya mula sa ibang kultura ay madalas na nag-aalangan na sumali sa mga community playgroup dahil sa limitadong pagsasalita ng Ingles, pagkakaiba ng kultura, o takot na hindi sila tatanggapin.
  • Ang grupo ay napatunayang kapaki-pakinabang para sa mga pamilyang bago sa Australia, dahil ito ay isang ligtas na lugar kung saan sila ay nauunawaan at tanggap.
  • Bagama't hindi naging madali ang proseso ng pagbuo nito, nakita niya ang mga mabuting benepisyo ng playgroup sa mga magulang at bata.
Nagdesisyon si Lara na buohin ang isang Filipino playgroup dahil nakita niya ang kakulangan nito sa Cairns, Queensland.

"Walang Filipino playgroup na ma-iimerse yung kids sa culture so that’s what prompted me to start the playgroup."
Aoyagi family
Bagama't hindi naging madali ang proseso ng pagbuo nito, nakita niya ang mga mabuting benepisyo ng playgroup sa mga magulang at bata partikular na sa mga pamilyang kakarating lamang sa Australya at naghahanap ng lugar kung saan sila tanggap at maiintindihan.

"I heard from mums na the playgroup is good kasi it’s a safe space. You can let your kids play and run around while you sit there and have your coffee. Sa playground, children are swearing. Whats good with the Filipino playgroup is we are all like-minded and agree no swearing around the kids. Everyone can relate to each other."
Cairns Filipino playgroup
First Filipino playgroup in Cairns, Queensland
Ayon sa ulat ng Australian Institute of Family Studies, ang mga pamilya na nagmula sa ibang kultura ay nag-aalangan na sumali sa mga community playgroup dahil sa limitadong pagsasalita ng Ingles, kaibahan sa kultura o di kaya pakiramdam na baka hindi sila tanggap.

Ibinahagi din ni Lara ang mga benepisyo ng binuong playgroup at paano ito nagdadala ng positibong karanasan para sa mga magulang at anak na nais ipakilala ang nakagisnang kultura sa mga anak.

"We sing Filipino songs, we read Filipino books. Its between 0-5 and majority of kids under 3. Were hoping na because they see us reading Tagalog books, hopefully ma-encourage at ma familiraise sila sa mga Filipino nursery rhymes at sa kultura."
PAKINGGAN ANG PODCAST
UP PLAYGROUP CAIRNS image

Kakulangan ng Filipino playgroup sa Cairns, nagtulak sa isang ina na magbuo

SBS Filipino

25/07/202412:03
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.

Share