Key Points
- Ang Medicare at Pharmaceutical Benefits Scheme ay bahagi ng subsidised universal healthcare system ng Australia
- Ang mga may hawak ng Medicare card ay ngbabayad ng maliit o walang pera sa maraming serbisyong medikal
- Kung bibisita ka sa isang GP o doktor na ‘bulk bills’ wala kang kailangang bayaran pagkatapos ng konsultasyon
- Maaaring kailanganin minsan ng mga may hawak ng Medicare card na bayaran ang gap sa halaga ng produkto o serbisyo na sinagot ng gobyerno
Ang mga Australian citizens, permanent residents, at refugees maaaring makakuha ng libre o murang serbisyong medikal at gamot sa pamamagitan ng pag-enroll sa Medicare, ang pangkalahatang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Australia.
Gumagana ang Medicare kasabay ng Pharmaceutical Benefits Scheme (PBS), na nag-subsidize ng mga inire-resetang gamot.
Ang unang hakbang upang ma-access ang mga scheme na ito ay sa pamamagitan ng pagrehistro sa Medicare, sa pamamagitan ng .
“ Kapag naka-enroll ka na sa Medicare, ang Services Australia magpapadala na ng Medicare card at ang card na ito ang iyong bibitbitin kapag bibisita ka sa doktor,” paunawa ng Services Australia Community Information Officer, Justin Bott.
“Magagamit mo din ang Medicare card para makakuha ka ng mas murang niresetang gamot sa mga chemist o kaya mas maliit na babayarin sa doktor sa pamamagitan ng bulk billing.”
LISTEN TO
How to call an ambulance anywhere in Australia
SBS English
20/12/202209:50
Ano ang gagawin mo kapag masama may sakit
Kung may sakit at nandito ka sa Australia dapat unang bisitahin ang General Practitioner (GP) o doktor sa mga clinc at medical centre, maliban na lang kung ito ay emergency.
Sa ganitong pagkakataon, dapat dumiretso na sa emergency department ng ospital.
Gayunpaman, ang karaniwang nangyayari, ang mga taong may sakit o kailangang masuri ng doktor ay bumibisita sa tulad ni Dr Douglas Hor, isang GP o doktor na nagbibigay serbisyo sa mga taga- hilagang bahagi na mga lugar sa Sydney ng ilang dekada.
Ang GP sa Australia ay kinakayang gamutin ang 80 hanggang 90 porsiyento pasyente na magpapatingin ... Sino at anuman ang kondisyon nito, kanilang ginagamot.
"Tinitingnan nila ang mga sintomas ng pasyente at subukang alamin kung ano ang iyong problema, at pagkatapos ay kung ano ang kailangang gawin para sa paggamot at subukang ipaliwanag ang lahat ng ito sa pasyente. Sila ang pinakamahusay na medico na kayang gamutin ang pasyente sa kabuuan," dagdag ni Dr Hor.
Ang mga GP ay maaaring magpasya sa mga pasyente kung kinakailangan nito ng karagdagang pagsusuri o kailangan ng isailalim sa operasyon.
Ang GP ay maaaring mag-refer sa mga pasyente sa mga espesyalistang doktor para sa karagdagang pagsusuri, kabilang dito ang mental health specialist o ipadala sila sa ospital.
Ang GP na din ang gumagawa ng resita para makabili ng gamot sa botika at sila na din ang nagre-rekomenda ng mga bakuna.
READ MORE FROM THE SETTLEMENT GUIDE
Antenatal care in Australia: what is it and why it’s important?
Bulk-billing at paano i-claim maibalik ang iyong pera
Ang ilang serbisyong medikal ay pinondohan at sinagot na ang bayad ng Medicare ng buo, mayroon din na ilang bahagi lang ang sinagot na bayad.
Nangangahulugan na maaaring kailanganin ng mga pasyente na bayaran ang halaga ng produkto o serbisyo na hindi sinagot o pinondohan ng Medicare.
Mayroon din isang mahalagang katangian ng sistema ng Medicare at GP na tinatawag na bulk billing.
Kaya kung bibisita ka sa mga medical clinic na may nakasulat na ‘ bulk bill’ibig sabihin nito, walang kailangang bayaran pagkatapos ng konsultasyon
“ Depende sa kung anong klase na serbisyong medikal o klase ng dokter ang iyong pinuntahan, nasa doktor na kung diretso na nilang singilin ang konsultasyon o serbisyo sa gobyerno sa pamamagitan ng Medicare o kaya i-charge sa pasyente. Kung bulk billing doktor ang iyang napuntahan, diretso na nila itong singilin sa Medicare at wala kang ilalabas na pera mula sa iyong bulsa,' sabi ni Dr Hor.
Ang mga matatanda at mga low-income Australians ay may access sa karagdagang dikwento. Credit: filadendron/Getty Images
Ang pinakamadaling paraan para i-claim ang pera mula sa Medicare ay nasa opisina ng iyong doktor. Maaari nilang isumite ang claim sa Medicare para sa iyo. Ang Medicare ay gagawa ng mga pagbayad sa iyong bank account sa ibang pagkakataon. Kung hindi mo kaya, kakailanganin mong pumunta sa Medicare at magagawa mo iyon online.Justin Bott, Services Australia
Samantala, pinondohan ng Australian Taxpayers ang Medicare sa pamamagitan ng income tax return system sa pamamagitan ng Medicare levy.
Ang halagang ibinabayad ng mga nag-aambag sa sistema ay nag-iiba ayon sa kanilang edad at personal na kalagayan ng pamilya.
Ang mga matatanda o mahihina, low-income Australian citizens at permanent residents , tulad ng mga Concession Card Holders at Commonwealth Senior Card Holders, ay nakakakuha ng karagdagang Medicare benefits at PBS diskwento.
Pinapaliwanag din ni Bott ang parehong Sistema ng Medicare at ang Pharmaceutical Benefits Scheme o PBS ay nagtatampok din ng mga limitasyon sa paggasta.
At kapag ang ginastos ng pasyente sa kanyang panggagamot ay mataas pa, maaari pa itong bigyan ng karagdagang diskwento.
"Kapag nagbayad ka ng sapat na mga gastos sa medikal sa buong taon, naabot mo ang mga limitasyong iyon at ang babayaran mo ay magiging mas mura pagkatapos," paliwanag niya.
"Kung magparehistro ka bilang isang pamilya, asawa, at mga anak na pinagsama ay mas maagang maaabot ang mga limitasyong iyon, at mas mabilis kang makakakuha ng mas murang mga gamot o mas murang bayad sa doktor."
Medicare at private health insurance
Ang mga pasyente ay maaari ding kumuha ng Medicare at Private health insurance upang tumulong sa pagbabayad para sa mga serbisyo at panggamot na hindi sakop ng pampublikong Sistema. Gaya ng mga pagbisita sa dentista, mga serbisyo ng ambulansya at ilang nagpapabakuna.
Ang pagkakaroon din ng Private Health insurance ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga pasyente na mapunta sa mga pribadong ospital, na nagpapabilis sa kanilang pag-access sa mga hindi agarang operason at ng iba pang pagsusuri.
“ Sa Public system kung kailangan ka magpa-opera kailangan magpalista muna at maghintay hanggang mauna yong mga nauna sa listahan saka ka pa ma-operahan. Habang kung may private health insurance ka, maaari kang pumili ng sariling pribadong doktor o pribadong ospital at pwedeng gawing maaga ang operasyon, kumpara sa kailangan mong maghintay sa pampublikong ospital kasi yon ang sinusunod na sistema o public system," paliwanag ni Dr Hor.
LISTEN TO
Here’s what you need to know about buying a private health cover
SBS English
11/10/202107:13
Ang mga doktor at medical centres sa Australia ay sanay na susuri sa mga pasyenteo hindi masyadong nakapagsasalita ng wikang English.
Ayon kay Dr Hor kadalasan gumagamit sya ng translation mobile phone apps para maiaprating ang simpleng impormasyon sa pasyente. Subalit, para sa mga mas komplikadong mga konsepto at pagpapaliwanag, gumagamit sila ng free interpreter service na libre mula sa gobyerno.
“Tatawagan lang namin para mabigyan ng interpreter ang pasyente. Libre ito dahil subsidised interpreter service ng gobyerno . Ang ginagawa nila ay isinasalin nila ang mga sinasabi ng pasyente sa doktor, sa harap mismo ng pasyente at doktor gamit ang loudspeaker phone. Nag-uusap ang interpreter at pasyente at isinasalin ng interpreter para sa doktor para maintindhihan kung ano ang problema ng pasyente.”
Ang telephone at online virtual consultations ay naging mas uso sa Australia simula noong panahon ng COVID-19. Credit: Phynart Studio/Getty Images
Telehealth and e-scripts
Maaaring gamitin ang telehealth appointments at e-scripts o resita na ginagawa lamang sa online kung hindi nila kayang puntahan ang doctors appointment sa mga clinic o medical centres nila.
At ang mga serbisyong ito ay kasama din sa pinondohan o ginastusan ng Medicare at PBS.
Eligible na makagamit ng Telehealth, dapat ang pasyente ay kailangang naging pasyente ng doktor sa nakaraang 12 buwan.
"Pinapayagan ng Telehealth ang doktor na makipag-usap sa pasyente sa pamamagitan lamang ng direktang audio o sa pamamagitan ng isang konsultasyon sa video. Nagagawa naming gamutin ang pasyente, dahil nakakagawa na kami ngayon ng mga e-script na nagpapahintulot sa amin na magsulat ng script na may QR code dito, i-email ang script sa mga pasyente at maaari nilang dalhin ito sa botika at ibinigay ang script item nang hindi man lang hinawakan ang GP, " sabi ni Dr Hor.