Filipino community, kabilang sa 18 prayoridad ng Australia sa kampanya kontra Protection Visa scam

asasasasasasasasa.jpg

Filipinos Among 18 Priority Communities in Australia's Campaign Against Protection Visa Scams Credit: Getty / Mark Evans

Prayoridad ng gobyerno ng Australia ang 18 komunidad, kabilang ang mga Pilipino, sa kampanya nito para magbigay ng kamalayan tungkol sa panloloko sa Protection Visa at magbigay ng libreng legal na tulong sa mga asylum seeker.


Key Points
  • Ang Protection Visa (subclass 866) ay para sa mga genuine asylum seekers na nahaharap sa panganib ang buhay sa kanilang pinagmulang bansa.
  • Kabilang ang mga Pilipino sa 18 komunidad sa Australia na prayoridad na bigyan ng impormasyon kaugnay sa Protection Visa dahil sa panganib na maloko ng mga hindi lehitimong migration agent.
  • May libreng ligal na tulong ang gobyerno ng Australia sa mga indibidwal na nagnanais na mag-apply ng Protection Visa.
Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., ibinahagi ng community advocate na si Kimberley Mitchiko ang pagtulong sa Department of Home Affairs sa kampanya nito laban sa mga manloloko kaugnay sa Protection Visa.
462557201_923176439666391_4036665134040045296_n.jpg
Community advocate Kimberly Mitchiko Credit: SBS Filipino

Share