Key Points
- Nag-migrate si Deo Antonio sa Australia noong dekada 80 sa edad na 20 nang walang university degree, pero sipag at lakas ng loob ang kanyang naging puhunan.
- Nagsimula sa data entry hanggang sa naging manager ng limang sangay ng bangko.
- Ngayon, isang mortgage broker na si Deo, at tumutulong sa komunidad sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga events.
- Isa sa mga event ang Manila Samu’t Sari Market 2.0 sa Ezistreats sa 9 ng Nobyembre sa North Melbourne kung san tampok ang iba't ibang masasarap na streetfood mula sa Pilipinas, kabilang ang BBQ charcoal-grilled skewers, halo-halo, ice cream na may Filipino flavours, at empanadas.
Deo Antonio Credit: Supplied
Filipinos are persistent, hardworking people. Ako mismo ay lumaki sa Pilipinas, kaya’t masasabi ko na street smart ako. Kapag ang isang Pinoy ay nagtatrabaho, ginagalingan talaga at advantage natin kahit saan man tayo sa mundo.Deo Antonio
Paunawa: Ang mga paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa kinauukulan at lisensyadong employment o migration expert sa Australia.