Key Points
- Atty. Michelle Martinez, dating abogada sa Pilipinas, ay kasalukuyang nagsisilbi bilang isang community lawyer sa Melbourne, kung saan nagbibigay siya ng libreng serbisyong legal na kahalintulad ng Public Attorney's Office (PAO) sa Pilipinas.
- Binibigyang-diin niya ang malaking pagkakaiba ng mga sistema ng batas sa Pilipinas at Australia, kung saan nakatuon ang Australia sa mediation at mabilis na paglutas ng mga kaso.
- Nagbibigay si Michelle ng mahalagang suporta sa mga Pilipinong migrante, partikular sa mga kasong may kaugnayan sa family law at family violence, habang isinusulong ang kamalayan sa mga karapatang legal at akses sa katarungan