Pinoy Year 12 student na pinaaalis ng Australia bago ang graduation dahil sa visa rejection, naghain ng apela

High school student Sky Camarce has been told he has to leave Australia before he can complete his HSC (Supplied).jpg

High school student Sky Camarce has been told he has to leave Australia before he can complete his HSC Source: Supplied

Nakapagtapos ng exam at naka-graduate ng high school si Sky Camarce pero wala pa ring linaw ang kinabukasan niya kung maari siyang manatili sa Australia.


Key Points
  • Noong Setyembre ay naghahanda ang Filipino high school student sa Australia Sky Camarce para sa kanyang Year 12 exams nang malaman niyang hindi naaprubahan ang kanilang visa renewal application at kailangan niyang lisanin ang bansa.
  • Lumipat si Sky sa Australia mula sa United Arab Emirates (UAE) noong September 2022 bilang secondary visa holder sa student visa ng kanyang ina.
  • Noong nag-expire na ang visa noong Marso, nag-apply sila ng renewal, pero dahil tumuntong na siya sa edad na disi-otso nang lumabas ang desisyon, ibig sabihin hindi na siya kinukunsiderang dependent kaya hindi na siya pasok sa visa requirements.
  • Matapos ang paghain ng apela sa Administrative Appeals Tribunal (AAT) sa tulong ng migration lawyer, nais din ni Sky na mag-lobby ng mga pagbabago at pag-amyenda Migration Act.

Share