Highlights
- Hamon para sa maraming magulang ang araw-araw na paghahanda ng baon para sa kanilang anak
- Sa paghahanda ng babaunin ng inyong mga anak, makakatulong na planuhin ito kada linggo.
- Para sa ina na si Rocky Antonio, mahalaga na bigyan ng pagpipilian ang mga anak sa kung anong masustansyang pagkain ang ilalagay sa kanilang baunan.
"Bago ka pa mag-grocery dapat naisip mo na kung ano ang ilalagay mo sa lunchboxes nila para at least and'yan na 'yung mga kailangan mo at hindi ka na mag-struggle pa kung anong ihahanda mo," anang Ginang mula Central Coast.
Dagdag niya na sa una'y parang mahirap pero madali ding masanay.
Balanse at sapat na pagkain
“Always prepare a balanced lunchbox like you have veggies, fruits and protein or carbs like sandwiches and pasta," ito ang una sa listahan ng ina ng dalawang batang lalaki.
"Make sure na huwag masyado yung mga sugary foods kasi hindi siya nakakabusog. Dapat more on fruits or extra sandwiches instead of giving the sweet biscuit or whatever na hindi healthy."
Bukod sa masustansyang pagkain, nais mo din na nauubos ng iyong anak ang kanilang baong pagkain.
"I’ll see to it na hindi naman sobra-sobra ang binabaon ng bata kasi makikita mo pag-uwi, kung marami pa ring natitira, I think kailangan mo ring i-adjust kung ilan lang ‘yung ipapabaon mo sa kanya."
“Kasi gusto mo mauubos nila by the of the day tapos wala silang inuuwi. Kaya I see to it na I asked them para at least alam ko na gusto nila ‘yung kinakain nila at nauubos din at walang natitira.
Preparing a healthy lunchbox Source: Photo by Vanessa Loring from Pexels
Paminsan-minsan pwede ring magbigay ng treat sa mga bata. Siguraduhin lamang na nakakain nila ng maayos ang mga masusustansyang pagkain.
"Sometimes I give them some treat. Nire-request din kasi ng mga anak ko. Usually ang hinihingi nilang treat ay mga biskwit. Pero kailangan mas maraming fruits."
Lingguhang budget at planadong pagkain
"Kailangan naka-plano ka rin at the start of the week para hindi ka masyadong nag-iisip at hindi ka nag-aalala," bungad ni Gng Antonio tungkol sa paghahanda ng baon ng kanyang dalawang anak na lalaki.
“Usually I try to just buy in the weekend, dapat good for the whole week na ‘yun. But sometimes medyo nakakapos, lumalabas pa ako pag Thursday pero minsan lang at hindi madalas."
Maliban sa mapapabilis ang iyong paghahanda ng kanilang baon, mainam na alamin mo rin ang iyong budget kapag namimili ka.
"Mga $20 pwede na sa isang linggo. Maximum na 'yung $30 for a week for the two of them."
"Kasi usually sandwiches lang sila and wraps. Tumatagal naman minsan one loaf of bread for the whole week or one loaf of bread and a pack of wraps."
"Just make a [sandwich] using maybe bacon and ham, avocados, spinach… so I think $20 to $25 dollars for each or even for the both of them for a total amount of up to $30 dollars.”
Isali ang inyong anak sa paghahanda
Para kay Gng Antonio, mahalaga para sa kanya na konsultahin din ang kanyang mga anak kung ano ang kanilang babaunin.
“Kasi gusto mo mauubos nila by the of the day tapos wala silang inuuwi. Kaya I see to it na I asked them para at least alam ko na gusto nila ‘yung kinakain nila at nauubos din at walang natitira," aniya.
Malayo ang agwat ng edad ng mga anak ni Rocky Antonio. Ang panganay ay nasa Year 9 at ang bunso'y nasa Year 1.
"Usually I asked [my eldest]. Kasi minsan 'pag hapon, magre-reklamo 'yan, sasabihin niya I'm still hungry. Kaya tinatanong ko siya para alam ko kinabukasan kung anong ibibigay ko sa kanya," nakakatuwang kwento niya.
Bigyan ng pagpipilian ang mga bata
"Kailangan mo ring tanungin ‘yung anak mo kung ano ‘yung preference nila. Gusto ba nila sandwiches or wraps, or chicken strips lang.”
"Bigyan mo sila ng choices para hindi ka rin mahirapan kung ano ang ipapabaon mo sa kanila."
"Rice, pasta or sandwiches or minsan kung gusto ‘yung ulam namin ng dinner, I save some for his lunch. And then I put it in a thermal container to keep it warm."
Nais nating matiyak na gusto at mauubos ng ating mga anak ang kanilang baon, kaya maganda rin umano na tanungin sila kung ano ang gusto nilang kainin.
Bukod sa mga paborito na baunin ng kanyang mga anak, nagtatanong din siya sa mga kaibigan kung ano ang ipinapabaon nila sa kanilang mga anak.
Bagaman, laging mahalagang isaalang-alang na magkakaiba ang gana at lakas ng pagkain ng mga bata – mahalagang malaman din na iba ang kakailanganing nutrisyon ng mga batang babae sa mga batang lalaki.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN