Ayon kay Sydney-based Montessori advocate Anniebelle Vergel de Dios, makakatulong kung sisimulan na agad sanayin ang mga bata na matulog nang mas maaga.
“As most kids have been used to sleeping late during the holiday, we can start getting them back to a routine by letting them go to bed early now. Ideally, between 8:00 and 8:30 pm because we don’t really want cranky kids attending the first day of school,” aniya.
1. Patulugin ng mas maaga ang mga bata
Hindi kinakailangang patulugin agad sila sa kanilang kanilang silid kapag oras na para matulog. Ayon kay Ms Vergel De Dios, makakatulong ang ilang mga gawain katulad ng pagbabasa ng libro o pagdo-drawing para mas maging kalmado sila bago matulog.
2. Bawasan ang pag-gamit ng gadgets
Limitahan ang paggamit ng mga bata ng gadgets, lalo na habang papalapit ang pagbabalik-eskwela. “In limiting or lessening screen time, kids are less likely to get stimulated. It can also be part of a healthy lifestlyle for school,” ani Ms Vergel de Dios.
3. Hayaan na ang bata mismo ang maghanda ng kanilang school bag
Para maging ganado ang mga bata sa pagpasok sa paaralan, payo ni Vergel de Dios, mainam na pahintulutan sila ng mga magulang na asikasuhin ang sarili nilang gamit pati na rin ang school bag.
“Trusting (your kids) with this task instills a sense of ownsership and responsibility. Kids are capable and they can do it if you allow them,” kwento niya.