Si Paul Fung ay isang third-generation Chinese migrant at pitong taong gulang pa lamang siya nang mamulat sa pagsusugal.
“There would be an adult table playing Mahjong or cards, and then there would be a children’s table playing Mahjong or cards. It was very much: monkey see, monkey do,” aniya.
Naging pang-araw-araw na gawain ni Paul ang pagsusugal kahit wala pa siya sa legal na edad.
“It was the thrill of winning and having an achievement, a financial gain.”
Matapos ang mga taon ng pagsusugal, umabot siya sa isang punto na gusto na niyang magbago.
“Gambling is so normalised within many Chinese or Asian family dynamics,” saad niya.
Ayon sa isang pag-aaral ng Australian Institute of Family Studies, ang mga kaso ng problema sa pagsusugal sa komunidad ng mga Chinese sa Australia ay mula dalawa hanggang walong beses na mas mataas kaysa sa pangkalahatang populasyon.
Ang Chinese community ay hindi lamang ang grupo na nasa panganib sa pagsusugal.
Ayon kay Wa’el Sabri ng Sydney Local Health District, layunin niyang labanan ang stigma ukol sa pinsalang dulot ng pagsusugal.
“Often within quite a lot of communities they see gambling as a failure. Some communities, even religiously, it's prohibited. So they will not go and approach support or counselling.
“It is really important not to say ‘you are a failure’,” sabi niya.
“We need to talk about it. We need to really give them that support and love.”
Ang episode na ito mula sa SBS Examines ay tumatalakay sa mga epekto ng pagsusugal sa Australia ng iba't ibang komunidad.
Kung kinakailangan ng tulong, tawagan ang gambling helpline sa 1800 858 858.
More podcast episodes:
SBS Examines sa wikang Filipino