SBS Examines: Pagdiriwang, pagninilay, pagluluksa - mga pananaw ng Indigenous at migrante sa Enero 26

Untitled design (2).png

Andrew Gai, Maggie Ida Blanden and Commissioner Meena Singh share their perspectives on Australia Day. Credit: Supplied

May mga nagdiriwang ng Australia Day habang ang iba naman ay nagluluksa at nagpoprotesta. Ano nga ba ang tamang paraan para gunitain ang Enero 26?


Sa kanyang unang mga taon bilang isang Australian, masayang ipinagdiwang ni Andrew Gai ang Australia Day.

Isa siyang refugee mula sa South Sudan.

Ngunit habang unti-unting nakikipagkaibigan si Andrew sa mga miyembro ng lokal na komunidad ng mga Aboriginal sa Melbourne, nagsimula siyang magtanong kung tama nga bang ipagdiwang ang Enero 26.

“The build up to Australia Day for Indigenous people and afterwards as well, it's just a traumatic reminder, and it's something we can do better," sabi ni Andrew.
I would love to one day, have a day when all Australians, regardless of their background, can feel the need and also the happiness of the day.
Tuwing Enero 26, nakikibahagi sa community march si Maggie Blanden at ang ibang miyembro ng komunidad ng palawa sa Elizabeth Street sa sentro ng Hobart, bilang pag-alala sa mga ninunong nawala dahil sa karahasan at bilang protesta sa patuloy na epekto ng kolonisasyon.
LISTEN TO
SBS Examines - Australia Day 2401 image

SBS Examines: Pagdiriwang, pagninilay, pagluluksa - mga pananaw ng Indigenous at migrante sa Enero 26

SBS Filipino

24/01/202506:28
Naaalala ni Maggie ang mga taon kung saan siya at ang kanyang pamilya ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga tao.

"People would line the streets and yell their abuse at us, but that no longer happens... throughout the years, we've seen many people start to join us. We have allies walking side by side with us," ayon kay Maggie.
Habang patuloy ang usapin tungkol sa Australia Day, naniniwala sina Maggie at Andrew na ang tanging paraan upang malampasan ito ay sa pamamagitan pagkakaisa.

"I really encourage people to get out and get to know our Indigenous people and the beautiful culture and generosity they have," ayon kay Andrew.

"By doing that, we'll be more informed about what the future, and days such as Australia Day means to all of us."

"Once we come together, we sit down and we learn from each other we become the greatest of allies," dagdag ni Maggie.

Ang episode na ito ng SBS Examines ay tungkol sa paraan nang paggunita ng Enero 26.

Share