SBS Examines: Isang komunidad sa Australia, mataas ang unemployment rate

SOUTH SUDANESE COMMUNITIES AUSTRALIA

The unemployment rate of Australia's Dinka community sits at 7.8%. Credit: LUIS ASCUI /AAPIMAGE

Ang unemployment rate para sa komunidad ng Dinka sa Australia ay halos doble kumpara sa pambansang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.


Ayon sa 2021 census, ang mga migranteng nagsasalita ng Dinka mula sa South Sudan ay may 7.8% na mga walang trabaho, samantalang ang pambansang rate ay nasa 4.2%.

Karaniwan para sa mga migrante na mahirapan sa pagkuha ng trabaho sa kanilang larangang pinag-aralan lalo na kung ang kanilang mga kwalipikasyon ay nakuha sa ibang bansa.

Gayunpaman, sa episode na ito ng SBS Examines, nakapanayam natin sina James Akol at Bol Kuol.

Pareho silang nagtapos sa mga unibersidad sa Australia, ngunit makalipas ang ilang taon, hindi pa rin sila nakakahanap ng trabaho sa kanilang mga larangan—human resources at business.

Ibinahagi ni Kuol sa SBS Examines na nag-apply siya sa 73 trabaho ngunit hindi kailanman nakatanggap ng alok o kahit imbitasyon para sa interview.

Samantala, sinabi ni Akol na inalok siya ng trabaho sa larangan ng human resources sa isang charity. Nakapasa siya sa panayam sa telepono, ngunit nang dumating siya upang pirmahan ang kontrata, biglang binawi ang job offer.

“As soon as they saw me they said ‘oh you are from an African background… this is one issue’,” aniya.

Ang episode na ito ng SBS Examines kasama ang SBS Dinka ay tumatalakay sa mga hamong kinakaharap ng komunidad ng Dinka sa paghahanap ng trabaho.

Share