Pa'no ba kumuha o magpalit ng Philippine passport sa Australia

Philippine passport.jfif

A Philippine passport serves both as a travel document and a primary national identity document issued to citizens of the Philippines by the Department of Foreign Affairs and Philippine diplomatic missions abroad, including those in Australia. Credit: Annalyn Violata

Kailangan mo ba ng legal na dokumento ng pagkakakilanlan o naghahanda para sa iyong una o susunod na biyahe sa ibang bansa? Wala ka pang Philippine passport o paso na ito? Pa'no ba ang pagkuha o pag-renew nito kung ikaw ay nasa Australia?


Key Points
  • Sa Australia, tanging ang Embahada ng Pilipinas sa Canberra at mga Konsulado ng Pilipinas sa Sydney at Melbourne lamang ang nagpo-proseso ng Philippine passport.
  • Para sa unang pagkakataon na kukuha ng pasaporte, kailangang kumuha ng appointment online para sa inyong pagpunta sa konsulado o embahada para sa inyong personal appearance at kumpletuhin ang passport application form. Kailangang dalhin ang orihinal at photocopy ng inyong birth certificate.
  • Para sa renewal, kailangan ang online appointment para sa inyong personal appearance, kumpletuhin ang passport application form, at orihinal at photocopy ng inyong kasalukuyan o lumang Philippine passport.
LISTEN TO THE PODCAST
Pa'no Ba: Philippine passport application and renewal image

Pa'no Ba: Philippine passport application and renewal

15:37
Ibinahagi ni Ginoong Popo Villalobos, Passport Officer at Consular Assistant mula Philippine Consulate sa Sydney ang proseso ng pagkuha o pag-renew ng pasaporte sa Australia sa pamamagitan ng konsulado sa Sydney at sa Embahada sa Canberra.

Inisa-isa rin niya ang mga dokumentong kailangan para sa inyong pagkuha ng Philippine passport.

Share