Mabigat na trabaho, nakakabaliw na sobrang abalang oras ng trabaho samahan pa ng di-inaasahang malaking bilang ng mga pasyente ay maaaring maging nakakabigo at ang stress mula sa trabaho ay maaaring madala sa labas ng ospital at maaaring makaapekto sa oras na ginugugol sa pamilya.
"Yes, our goal (as nurses) is to give the best possible care to our patients but in the real world, it's truly very busy... so sometimes it's a bit frustrating that you won't be able to give all the care especially if your standards are high," pag-amin ng sampung-taon na sa serbisyo bilang nars.
Para sa sinuman, ang iba-ibang oras ng trabaho - lalo na 'yung mga panggabi - ay hindi madali. May mga pagkakataon na hinihiling sa mga nars na magtrabaho ng 24 na oras upang tiyakin na may sapat na pangangalaga na ibinibigay sa mga pasyente. At kung ikaw ay kulang sa tulog, maaaring makaapekto ito sa kalagayan o mood ng isang tao. At bilang isang ina, laging tinitiyak ni Ms Gazik na siya ay may oras sa kanyang anak sa kabila ng abala niyang iskedyul.
Image "It's just about organising the time. It's not easy, sometimes it gets really hard, and medyo mainit ang ulo pagdating, but as long as you're positive and there's really love withing you to care for your family, it makes life easier," pagbahagi ni Ms Gazik.