Kung mayroon mang isang kurso o propesyon na palaging na-iuugnay sa mga Pilipino, lalu na sa ibayong dagat, ito ay ang pagiging nurse. Halos lahat ng mga Pilipino ay may kamag-anak, kaibigan o kakilalang nurse. Larawan: mga Pinoy na nurse
Maging sa Australya, maraming mga Pilipinong nurse ang nagsisilbi sa mga nursing home, mga pribadong bahay, ospital o klinic maging sa mga kabiserang siyudad man o sa mga rehiyon.
At bakit nga ba kaakit-akit ang pagiging nurse sa mga Pilipino?