Key Points
- Umaabot mula 300 hanggang 1,000 libong kilo ng karne ang inihahanda ng Hoy Pinoy business owners na Filipino Australian na si Regina Alcantara at asawa na si Chef James Meehan para sa kanilang sikat na barbecue at ibang Filipino street food sa bawat market events, inaasahan ding ipapakilala nila ang bagong putahe sa taong 2024.
- Ang Wow Filipino food ng mag-asawang Mae at Richard Rodillas ay kasalukuyang nag-iisang Pinoy food stall sa Chinatown sa Burwood, Sydney at maliban sa barbecue, nagbebenta din sila ng sisig at liempo.
- Mahigit 2.5 million o isa sa bawat sampung tao sa Australia ay nagnenegosyo base sa tala nitong 2023.
Higit isang dekada na sa food business ang Filipino-Australian na si Regina Alcantara-Meehan at asawa nitong Chef na si James, kaya halos nalibot na nila ang buong Australia, sa katunayan nakarating na ang kanilang negosyo sa New Zealand. Nagbibigay na din sila ng trabaho hindi lang sa mga Pilipino kahit ibang lahi. Inasahan ding sa taong 2024 ay ihahain sa publiko ang bagong putahe ng pamilya Meehan.
Ang barbecue ang isa sa maraming pagkain na tatak Pilipino na patok sa Australia. Credit: Hoy Pinoy/Facebook
Credit: Hoy Pinoy/Facebook
Regina Meehan's family working together for their food business. Credit: Regina Meehan
Higit limang taon sa food business ang pamilya ni Mae and Richard Rodillas at inamin nito nahikayat silang magnegosyo matapos nakita ang patok na negosyo ng pamilya ni Regina Meehan na may ari ng Hoy Pinoy. At ngayon, unti-unti na ding nakikilala sa industriya ang Wow Filipino food business ng mga Rodillas dito sa Sydney. Maliban sa barbecue, naghahain din sila ng ibang Pinoy food.
Credit: Wow Filipino Food /facebook
Mae Rodillas with her children of Wow Filipino Food in Burwood, Chinatown. Credit: SBS