#PinoyInMelbourneStory: Regina Meehan ng Hoy Pinoy

Ang tunay na tahanan ay kung nasaan ang iyong pamilya. Ito ay kung saan mo nakikilala ang iyong sarili. Ito ay kung saan din nakahanap ka ng tagumpay. Tanungin mo lang si Regina Meehan.

Regina Meehan of Hoy Pinoy

Regina Meehan of Hoy Pinoy Source: Regina Meehan

Kung nakapunta ka na sa mga piyesta sa Melbourne, maaring nakakita ka na ng usok mula sa isang stall na nagbebenta ng Filipino barbecue at lechon. Ang mabangong usok na ito ang nagtutulak sa iyong kumain ng masarap na inihaw. Ano ba naman ang mahabang pila kung makakakain ka naman ng barbecue?

Si Regina Meehan na mula Olongapo at ang kanyang chef na asawa na si James and may-ari ng popular na Hoy Pinoy. Ayon sa website ng Hoy Pinoy, ang pagkain nila ay “laid-back, self-possessed, [and] quietly confident [when it comes to] authenticity”.

Ang ideyang ito ay nagmula sa mga bisita ni Ms Meehan sa Olongapo kung saan siya pinanganak. Mula sa ideyang ito, nakapagtayo siya ng negosyo na ngayo'y sikat na sa Melbourne, at sa ibang bahagi ng Australya at New Zealand.
A young Regina Meehan in Olongapo with friends
A young Regina Meehan (second from the left) in Olongapo Source: Rizzi Chavez
Pinanganak na Regina Alcantara, ang Filipino-Australian migrante at negosyanteng ito ay lumipat sa Australya kasama ang kanyang pamilya noong siya'y 16 na taong gulang. Dala-dala ang skilled migrant visa, naisama ng kanyang ama ang kanyang asawa at apat na anak sa Australya.
Regina with parents
Regina Meehan with her proud parents in front of a Hoy Pinoy stall Source: Maddy Alcantara
Pinili ng mag-anak ang Melbourne dahil may pamilya sila dito. Kahit maraming kaibigan ang kanyang ama sa Sydney, saad ni Ms Meehan na pinili nila ang Melbourne dahil mas madali ang transisyon nila dito dahil nandito ang mga kamag-anak nila.

Ayon kay Ms Meehan, nung lumipat sila noong 1995, nagulat siya na nagtatrabaho ang mga bata sa Australya kahit nag-aaral pa sila. Hindi kasi tipikal na nagtatrabaho ang mga bata sa Pilipinas habang pumapasok pa sa eskwela.

“Being 15 [in the Philippines], you didn’t really think about work straight away. You think about hanging out with your friends. Whereas here, at 15, 16, you have a tax number,” aniya.

At dahil nakapagtrabaho si Ms Meehan noong siya'y 15 na taong gulang lamang, natuto siyang magsumikap at magtiyaga. At habang challenging ang pagiging ina sa dalawang anak habang nagpapatakbo ng isang negosyo, nagawa niya ito sa siyudad kung saan niya nakilala ang kanyang asawa at kung saan isinilang ang kanilang mga anak, sa siyudad na kanyang tinatawag na 'home'.
Meehan family
Regina and James Meehan with their sons Source: Regina Meehan (Facebook)
Sa huli, perpekto ang pagkalarawan ni Ms Meehan sa pagmamahal niya para sa Melbourne. Saad niya, “I wouldn’t live anywhere else. Definitely – Melbourne’s home to me.”

BASAHIN DIN



Share
Published 17 August 2018 8:05am
Updated 17 August 2018 8:37am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends