Kailangan mo bang kumuha ng Overseas Employment Certificate o OEC? Alamin ang proseso at sino ang sakop na OFW sa Australia

photo-collage.png (1).png

Migrant Workers Office Labor Attaché Melissa Mendizabal shared insights on the purpose and process of obtaining an Overseas Employment Certificate (OEC) for OFWs in Australia. Credit: Migrant Workers Office Canberra

Sa episode ng Trabaho, Visa, atbp, ibinahagi ni Migrant Workers Office Labor Attache’ Melissa Mendizabal kung para saan at ang proseso ng pagkuha ng Overseas Employment Certificate o OEC para sa mga OFW sa Australia.


Key Points
  • Ang Overseas Employment Certificate o OEC ay maituturing na exit pass o exit clearance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na lalabas ng Pilipinas pabalik sa kanilang pinagtatrabahuhang bansa.
  • Sa Australia, ang Migrant Workers Office na dating Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Canberra ang nagpoproseso nito.
  • Sa dami ng iba’t ibang klase ng Australian visa kabilang na ang mga student at temporary graduate visa, ipinaliwanag ni Labor Attache’ Melissa Mendizabal kung sino ba ang sakop ng pagkuha ng OEC.
PAKINGGAN ANG ULAT-PANAYAM:
TVA - OEC MENDIZABAL image

Kailangan mo bang kumuha ng Overseas Employment Certificate o OEC? Alamin ang proseso at sino ang sakop na OFW sa Australia

SBS Filipino

30/01/202521:01

Share