Key Points
- Taong 2018 dumating sa estado ng Victoria si Cindy Wisco at kanyang asawa bilang international student, naiwan sa Pilipinas ang kanilang nag-iisang anak.
- Matapos ang dalawang taong pag-aaral nahirapan sa pagkuha ng trabaho si Cindy, nakapagdesisyon itong lumipat sa Tasmania para mag-aral muli ngunit hindi niya alam buntis pala ito sa pangalawa nilang anak.
- Dahil sa kasagsagan ito ng pandemya, naiwan sa Victoria ang asawa dahil sa trabaho. Maliban sa pagiging support worker, si Cindy ay naging kitchen hand at factory worker bago makapagtrabaho sa ospital bilang enrolled nurse at maging permanent resident sa Tasmania taong 2023.
In 2018, Cindy Wisco with her husband arrived in Victoria, Australia, leaving her child behind in the Philippines. After two years of study, she struggled to find a job and decided to pursue further education in Tasmania, unaware that she was pregnant with her second child. In 2023, her family’s permanent residency was finally approved. Credit: Supplied
2021 nang lumipat ito sa lugar subalit ang hindi niya alam buntis ito sa pangalawa nitong anak, habang ang asawa ay naiwang nagta-trabaho sa Victoria.
Kwento nito ito ang pinakamahirap na kanyang pinagdaanan habang nasa Australia.
"Dahil hindi ako marunong magdrive noon ang dami kong nakilalang mga anghel sa paligid sila yong kusang tumutulong sa aking para maghatid sa eskwelahan at papuntang trabaho hanggang sa pag-uwi.
May mga nurses na mga kababayan na nagpatuloy sa akin sa kanilang bahay, sila yong naging gabay ko habang nag-aaral at nagtatrabaho, talagang laking tulong ang community at church."
Payo nito sa nagbabalak na pumunta sa Australia at kahit sa ibang bansa.
"Train your mind to see the good in eveything. Kailan ang mag-exceed pa sa ini-expect mo especially sa pagtatrabaho na malayo sa pamilya at mga trabaho na hindi mo usually ginawa at dapat mag-research din."