'My Filipino ABC': Pagtuturo ng kulturang Pinoy sa mga bata

My Filipino ABC

Elliot, whose mum is Filipino & dad's American, developed the habit of reading at an early age. His mum, Ivy, took this chance to teach him the Filipino culture Source: Ivy Boomer

"It's really important as it is part of his identity - half of him is Filipino," - 'yan ang mismong dahilan kung bakit wala pang isang taon ang kanyang anak na si Elliot nang simulan ni Ivy Boomer ang pagtuturo ng kulturang Pilipino.


Para bago pa lamang na manunulat, "napakahalaga na maituro sa aking anak ang pinagmulan nito. Kumbaga bilang isang Filipino American, 'yung kalahati ng pagkatao niya ay ang pagiging Pilipino" ayon sa ina mula Sydney na si Ivy Boomer.

"Gusto ko na maging proud siya kung saan siya nagmula. Alam niya kung saan siya nanggaling, alam niya 'yung pinagmulan namin, kasama na ang aming mga pamilya, kultura at wika sa Pilipinas at sa US."

 


Highlight

  • Iba't iba ang paraan kung paano natututo ang mga bata.
  • Gawing masaya ang pagtuturo sa kanila na para bang sila'y naglalaro lamang.
  • Ginamit ni Ivy Boomer ang hilig ng anak na si Elliot sa pagbabasa ng libro para mamulat ito sa kulturang Pilipino. 

Pagmumulat sa kulturang Pilipino

"I tried to do since he was very young,  noong baby pa lang si Elliot (anak ni Ivy)," kwento ng IT professional na si Ivy Boomer.

Bagaman hindi naging madali na simulan na ituro sa kanyang anak ang pagtuturo tungkol sa kulturang Pilipino.

"I think maraming magulang ang sasang-ayon na kapag nakatira tayo sa ibang bansa, lalo na kung wala tayong mga kamag-anak na andito tapos 'yung partner natin ay hindi Pilipino, medyo hindi madali na turuan ang anak natin ng Tagalog," lahad ng ina mula Sydney.
My Filipino ABC
Elliot and mum, Ivy, reading 'My Filipino ABC'. Source: Ivy Boomer
Sa murang edad ng kanyang anak na si Elliot, sinimulan ni Ivy Boomer ang pagtuturo ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga libro.

"Elliot is very, very interested with books even before he turns 1 year old. Nag-start ako with picture books."

"Noong first time na umuwi kami ng Pilipinas, I started buying Filipino books para madala dito sa Australia and then we started reading together."

Dahil sa maagang sinimulan ni Ivy ang pagtuturo sa kanyang anak ng mga simpleng salitang Pilipino, "bago pa mag-2 years old si Elliot marunong na itong magbilang mula isa hanggang sampu," masamang pagbabahagi ni Ivy.

Bukod sa pagbibilang, kabilang din sa naging interes ng kanyang anak ang mga prutas at pagkain. At dito, isinasabay ni Ivy ang pagtuturo sa kanyang anak.

"Sinasabay ko lang sa kung ano 'yung mga interes niya para mas madali niyang matandaan," ang sikreto  ni Ivy.

'Tagalog Time'

Dahil nga sa ang kanyang asawa ay isang Amerikano, si Ivy lamang ang kumakausap ng Tagalog sa kanyang anak.

"Sa bahay, ako lang ang nagsasalita ng Tagalog. Kaya hindi namin siya napa-practice ng madalas at araw-araw."

"It's such a conscious effort na dapat every time and every night, meron kaming 'Tagalog Time' bago matulog kahit na 15 minutes lang."

Kaya laking tulong ng mga librong nabili ni Ivy para sa pagtuturo niya ng Tagalog sa kanyang anak.

At dahil sa hilig na rin sa pagkain, ginamit din ng ina ng 3-taong gulang na si Elliot ang pagpapakilala ng mga pagkaing nakasanayan ng mga Pilipino

"Mahilig siya [si Elliot] sa kanin. Gusto rin niya ang adobo at sinigang" at tuwang-tuwa sa Ivy na ang kanyang anak ay "very Pinoy".
My Filipino ABC
Collaborating with her son, Elliot, Sydney-mum Ivy Boomer, even without any experience in writing a book, was able to author and publish her first-ever children's book 'My Filipino ABC'. Source: Ivy Boomer

'My Filipino ABC'

Sa hilig ng anak sa libro at sa hamon sa pagbiyage dahil sa kasalukuyang pandemya, nabuo ng unang pagkakataon na author na si Ivy ang kanyang unang libro na My Filipino ABC. 

Inspirasyon niya ang kanyang anak na si Elliot sa pagbuo ng makulay at mala-cartoon na mga drawing na iginuhit ni Jason Pacliwan ang makikita sa mga pahina ng librong pambata.

"Meron siyang English Alphabet book at habang nag-aaral kami, nasabi niya [ni Elliot] na 

"Mummy, we should have a Filipino Alphabet book as well," ang sabi ng anak ni Ivy sa kanya nang minsang nag-aaral sila ng mga Alpabeto gamit ang isang English Alphabet book.

"The way we thought about the drawing, we wanted it to be funny because Elliot loves humorous books."

"At the same time, I know as Filipinos we always try to put  smile in everything we do."

Bukod sa kanyang unang libro, naghahanda na rin si Ginang Boomer sa paglalathala ng kanyang ikalawang libro na may paunang titulo na "Si Kiko at ang Mahiwagang Sipilyo" na patungkol naman sa hamon sa mga magulang kung paano mahihikayat na magsipilyo ng ngipin ang mga anak.
My Filipino ABC
Inside 'My Filipino ABC' book is a collection of drawings of items that are familiar to most Filipinos. Source: Ivy Boomer

Mga payo para sa pagtuturo sa anak

1. Gawing masaya

Mahalaga na gawing masaya ang pagtuturo ng kultura at wika sa ating mga anak.

"If we make it [teaching] fun, we will be able to instil the Filipino culture in our children. They are just sort of playing, instead of being forced to learn," pagbibigay-diin ng unang pagkakataon na manunulat.

"Whether it's through playing that you introduce the concept of how to count in Tagalog or through singing of Bahay Kubo; introduce the Tagalog words and vegetables.

Iisipin lang ng mga bata na naglalaro lang sila habang kayo'y natututo.

2. Regular na gawin

"Consistency is the key. We have to do it regularly."

Kung hindi natin itu-tuloy-tuloy makakalimutan nila ang mga itinuturo natin sa kanila.

Kung palaging babalik-balikan ang mga bagay na gusto natin na matutunan nila, mas madali nila itong matatandaan lalo na kung gagawin natin ito nang araw-araw.

"Every night during bedtime, when we put them to bed, even for just 5 or 10 minutes of Tagalog time."

"It doesn't matter what it is, either just counting or telling them stories about our families in the Philippines and how we grew up would be very helpful."

3.  Huwag panghinaan ng loob

"Huwag tayong ma-discourage na turuan sila [mga anak] ng kultura natin, kung saan tayo nagmula."

"Ipagpatuloy lang nating kahit na maliit na bagay o konting oras lang. Dahil sa huli, maiisip natin na may epekto ito sa mga bata."

BASAHIN DIN/PAKINGGAN


 


Share