Ang kaalaman ko sa wika ng aking mga magulang ay susi sa aking pagkakakilanlan

Habang madali para sa isang Pinoy na bata na lumaki sa Australya na kalimutan ang sariling wika, hindi tumigil ang mga magulang ni Joshua sa paghikayat sa kanyang maging totoo sa kanyang pinagmulan.

Joshua Francisco

Born of Filipino parents whose first language is Filipino, Joshua had been used to hearing his parents speak the language at home. Source: Joshua Francisco

Kahit na ipinanganak at lumaki sa Australia ang bente anyos na si Joshua Francisco, hindi siya estranghero sa sariling wika.

Ang Politics at Philosophy na estudyante mula sa University of Melbourne ay nagsasalita ng magaling at malinaw na Tagalog kumpara sa ibang mga batang lumaki dito at sinabi niya na ang kaalaman sa wika ay ang naging susi sa kanyang pagkakakilanlan.
“Ang kaalaman ko sa aking wika ay nagparamdam sa akin na hindi ako outsider sa pamilya at ito ang susi sa aking pagkakakilanlan.”
Filipino ang una at kaisa-isang wika na ginagamit nila sa bahay at sa pre-school lamang siyang natuto mag Ingles.

"Nung bata po ako Tagalog lang talaga sa bahay, walang English. Nung nasa pre-school ako doon na ako natuto mag-English so masasabi natin na bilingual acquisition."
Born of Filipino parents whose first language at home was Filipino, it was only at pre-school when Joshua learnt English.
Born of Filipino parents whose first language at home was Filipino, it was only at pre-school when Joshua learnt English. Source: Joshua Francisco
Halos puro mga puting Australyano ang mga kaibigan ni Joshua nang siya ay lumaki sa Gold Coast. Habang madali sa isang bata na kalimutan ang sariling wika, hindi tumigil ang mga magulang ni Joshua sa paghikayat sa kanya na maging totoo sa kanyang pinagmulan.

"Nung nasa primary school ako halos lahat ng kaibigan ko ay puti, akala ng iba Chinese ako o Japanese. Parang nalilito ako kung sino ako kaya talagang laging pinapaalala sa akin ng mga magulang ko ang pagkakakilanlan ko bialng Pilipino."
Although Joshua Francisco was surrounded by Australian friends, his parents have always encouraged him to stay true to his roots.
Although Joshua Francisco was surrounded by Australian friends, his parents have always encouraged him to stay true to his roots. Source: Joshua Francisco
Matuto ng wika sa pamamagitan ng media

Bukod sa naging malaking impluwensiya ang mga magulang na Joshua upang makapagsalita siya ng sariling wika, sinabi niya na ang panonood ng lokal na palabas sa telebisyon ay nakatulong din sa kanya na matuto ng maraming mga Pilipinong salita.

Habang nanood ang ibang bata ng mga Ingles na palabas, sinabi ni Joshua siya ay nanonood ng mga Pilipinong palabas.
“Naalala ko meron kaming TFC. Dati yun ang pinapanood ko instead na cartoons. Pinapanood ko dati Going bulilit, teleserye na Pangako sa’yo, pinapanood ko rin ang mga music videos sa MYX PH, Cinema One, mga pelikula ni Dolphy.. Home along da riles.”
Sa malawakang access sa teknolohiya, sinabi ni Ginoong Francisco, hindi na mahirap matuto ng isang wika sa panahon ngayon.

Dagdag niya sa simpleng pindot maari ng matuto ng isang wika sa pamamagitan ng mga media app ngunit nandiyan pa rin ang telebisyon at radyo.

"Ngayon napakarami na nating resources lalo na mga electronic resources para matuto ng ibat ibang wika. Halimbawa sa phone natin may duolingo na app pero nandiyan pa rin ang TV. Nakakatulong ito pag gusto natin matutuo ng isang wika kailangan nating pakinggan araw araw.. Kahit hindi tayo nakatutok sa TV basta naririnig lang natin araw araw ang paggamit ng wika."
With a simple tap of a button media apps like duolingo allow you to learn a language.
With a simple tap of a button media apps like duolingo allow you to learn a language. Source: Duolingo
Ang mga benepisyo ng kaalaman sa wika

Sa kabila ng dahilan na ang pagsalita ng isang wika ay bentaha para sa propesyonal na karera ng isang tao, naniniwala din siya na ito ay may benepisyo sa pagpapaunlad ng sarili.

"Para sa akin hindi lang naman ito paraan para makahanap ng trabaho, sa tingin ko para na rin sa karakter natin, pag-natuto ka ng isang wika, pinapaunlad natin ang isip natin."

Ang kaalaman sa sariling wika ay nakatulong din sa kanya na mas maunawaan ang kanyang kultura at maka-konekta sa kanyang pamilya.
"Yung wika natin yun ang koneksyon o tulay ko sa aking pamilya at talagang hinikayat ako ng mga magulang ko na pag-aralan yung kultura ko, kung sino talaga ako."
Dagdag niya na ang enerhiya at interes na matuto ng isang wika ay manggagaling lamang sa malawak na kaalaman ng isang tao sa kanyang pagkakailanlan at kultura.

"Kailangan nilang malaman kung sino ba talaga sila. Saan sila nanggaling? Saan nanggaling ang mga magulang nila? Ano ang kultura nila sa bahay? Pag-nalaman mo yun magkakaroon ka ng energy na pag-aralan ang sarili mong wika."

Pakinggan at basahin din:



Share
Published 17 September 2019 2:48pm
Updated 23 September 2019 9:16am
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends