Mula pagkabata ni Trisha Calugay, lagi niyang kailangang ituro sa mga taong nakakausap niya kung paano ang tamang pagbigkas ng kanyang apelyido.
"Pretty much all through my highschool and all my school years, it's always been a bit hard for everyone else to pronounce," paglalahad ng 2nd year Sydney university student.
Mga highlight
- Alinmang wikang ang ating sinasalita, ito ang pangunahing gamit natin para makipag-ugnayan sa isa't isa.
- Lalo't higit na mahalaga ito para sa mga may mga magulang na may pinagmulang magkaibang kultura.
- Tulad ni Trisha Calugay na may mga magulang na Pilipino at Italyano, masayang niyang ginagamit ang wika para mapanatili ang dalawang kultura na kanyang pinagmulan.
Sa kabila nito pinagdaanang hamon patungkol sa pagbigkas ng ibang tao sa kanyang apelyido, ipinagmamalaki naman ng Education and International Studies double degree student ang kanyang pagka-Pilipino.
At pursigido siyang makapagsalita ng wikang Filipino.
Sa katunayan, kamakailan lamang ay tinapos niya ang 5-linggo ng Level 1 para sa pag-aaral ng Tagalog.
Hangad niya na lalo pang matuto sa mga susunod na yugto ng kanyang pag-aaral at sa huli'y maging lubos na matatas sa pananagalog.
"I want to reach level 10. I want to feel confident in having a conversation with someone in Tagalog".Batid ng dalaga na bagaman hindi pa siya matatas sa pagsasalita ng Tagalog, lubos naman ang kanyang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino.
"Level 10 in speaking. I want to be very fluent. I want to be able to understand the language without hesitation or questioning myself". Source: Trisha Calugay
At para sa kanya mahalaga na mapanatili ang kultura ng pareho niyang magulang dahil ito ang bumubuo sa kanya at nag-uugnay sa kanyang buong pamilya.
"I think Filipinos are very resilient. I noticed that whatever they are doing, whatever situation they are in, they're always smiling and they are happy to help," ani ni Bb Calugay.
"Also, I've noticed that Filipinos also take a lot of pride in their families as well. All their generations and all their family members even like their closest friends are considered family."
Lumaki sa isang Pilipino-Italyanong pamilya sa Byron Bay, NSW, Ingles lamang ang pangunahing wika na ginagamit sa kanilang sambahayan.Gayunpaman, pinalaki silang mulat sa pinagmulang kultura ng kanilang mga magulang. Batid niya kung gaano kagalang ang mga Pilipino sa kanilang pananalita at pagiging matatag sa gitna ng anumang sakuna.
Trisha (3rd from left), with her 3 siblings and her dad (leftmost), and mum (rightmost). Source: Supplied by T. Calugay
Marami din siyang paboritong pagkaing Pilipino na kinalakihan niyang lutuin ng kanyang ama.
Madalas na umuuwi ang pamilya ni Trisha sa Pilipinas, lalo na noong sila'y mga bata pa upang dumalaw at makilala ang kanilang mga kamag-anak sa Pangasinan.
Ipinagpapasalamat niya na iminulat sa kanya ng kanyang mga magulang ang mga kultura nito lalo na ang mga kagandahang asal.
"I'm very thankful. I love to know this other side of the Filipino culture and how it's different to how all my friends in Australia are brought up. It's really good as I am culturally aware and more open-minded," buong tuwa na salaysay niya.
Hangad din niya na ang mga katulad niyang kabataang Australyano na may dugong Pilipino ay maipagpatuloy na alamin at isagawa din ang mga mabubuting nakagawain ng mga Pilipino.