Vocal coach nakahanap ng purpose sa pagtuturo ng musika

nhess.jpeg

Nhessica Weber grew up in the Philippines then moved to Australia at the age of 20. Credit: SBS Filipino

Inilunsad ni Nhessica Weber ang kanyang negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic na walang garantiya ng tagumpay. Ang hilig sa musika, pagnanais na maibahagi ang talento at matulungan ang mga tao ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang nasimulan sa kabila ng hamon na dala ng COVID-19.


KEY POINTS
  • Lumaki si Nhessica Weber sa Pilipinas at lumipat sa Queensland, Australia noong siya ay 20 taong gulang. Makalipas ang ilang buwan, nanirahan siyang mag-isa sa Melbourne upang sundin ang hilig niya sa creative arts.
  • Nakaka-kanta si Nhessica sa iba’t-ibang wika gaya ng Tagalog, Spanish, Hebrew, Arabic, Nihongo, at English. May malawak na karanasan din siya sa iba’t-ibang istilo ng musika tulad ng Christian contemporary music, jazz, pop, rock, contemporary folk, at musical theatre pati na din dance expertise sa ballet, jazz, tap, hip-hop, lyrical, at Latin dance.
  • Marami ang inilunsad na mga bagong negosyo at kumpanya sa panahon ng COVID-19 pandemic ayon sa Australian Securities and Investments Commission. Sa unang anim na buwan ng 2021, humigit-kumulang 152,000 kumpanya ang nakarehistro, kumpara sa halos 110,000 para sa parehong panahon noong 2020.
LISTEN TO THE PODCAST
TK NHESSICA WEBER image

'It’s about helping my students find the voice they want': Vocal coach finds purpose in teaching

SBS Filipino

06/11/202431:24

Share