KEY POINTS
- Natuklasan ni Jeremy G ang kanyang talento sa pagkanta noong siya ay nasa ikalawang taon ng high school at naging finalist sa unang season ng The Voice Teens Philippines noong 2017. Mula noon, naging regular siyang performer sa mga programa ng ABS-CBN at mainstay sa ASAP Natin 'To. Bukod sa pagkanta, ipinakita rin ni Jeremy ang kanyang husay bilang songwriter at producer, kung saan gumagawa siya ng musika hindi lamang para sa sarili niyang mga proyekto kundi pati na rin para sa iba’t ibang Kapamilya TV shows at kapwa artists.
- Ihahatid ni Jeremy G ang kanyang musika at pagmamahal sa kulturang Pilipino sa Australia bilang bahagi ng Philippine Fiesta of Victoria. Kasama si Kim Chiu, siya ay magtatanghal sa Nobyembre 24, 2024, sa Philippine Community Centre sa Laverton bilang pagdiriwang na rin sa ika-30 anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC).
- Inaalala ni Jeremy G ang kanyang paglaki sa Los Angeles, California, kung saan hinubog ng kanyang pamilya ang pagmamahal niya sa kulturang Pilipino. Bagamat natutunan lamang niyang magsalita ng wika nang lumipat siya sa Pilipinas, buong puso niyang niyakap ang kanyang pagka-Pilipino nang may pagmamalaki at pagmamahal.
- Para kay Jeremy, ang maibahagi ang Original Pilipino Music (OPM) sa pandaigdigang entablado ay isang pangarap na matagal na niyang inaasam. Malaki ang sakripisyo ng kanyang pamilya upang matulungan siyang maabot ang kanyang pangarap sa musika, at ito ay labis niyang pinahahalagahan at pinaparangalan sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon.
For Filipinos who grew up in another country, try not to forget the culture, embrace the Filipino culture kasi ang sarap maging Pinoy.Jeremy G
PAKINGGAN ANG PODCAST
'Ang sarap maging Pinoy': Singer na si Jeremy G inalala ang buhay bilang second-generation migrant
SBS Filipino
23/11/202435:31