Gaganapin ang pinakamalaking OPM music concert tampok ang mga local bands

Hiyaw: The Sound of Unity

Credit: SBS Filipino

Gaganapin ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Pinoy na musikero sa November 16, 2024 sa Philippine Community Centre sa Laverton.


KEY POINTS
  • Ang Hiyaw: The Sound of Unity ay magtatampok ng mga lokal na banda tulad ng Zandata, The Weekend Project, Filosophy, ALPA, at Kaizon bilang bahagi ng pagdiriwang ng OPM (Original Pilipino Music).
  • Ayon sa Rockwise, ang nagtatag ng grupo, binuo ito upang ibida ang mga musikerong Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng isang plataporma kung saan maaari nilang ibahagi ang kanilang musika sa mas malawak na komunidad.
  • Sa mga nakaraang taon, marami sa mga lokal na musikero ang nahirapang makahanap ng plataporma upang mag-perform at ipakita ang kanilang talento, madalas ay hindi sapat ang bayad para sa kanilang mga gawain. Layunin ng grupong ito na baguhin ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong oportunidad at pagtiyak ng makatarungang kabayaran para sa mga artista.
LISTEN TO THE PODCAST
TK HIYAW image

Biggest OPM music concert featuring local bands to stage in Melbourne

SBS Filipino

09/11/202429:04
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipino na gumagawa ng sariling marka sa musika at sining.

Share