Grupong 'After Hours' binubuhay ang mga kalye ng Melbourne sa pamamagitan ng kanilang musika

Meet the group "After Hours"

After Hours was formed out of a shared passion for music and a desire to connect with the Melbourne community. Credit: Supplied- After hours

Ang busking ay matagal nang naging paraan para sa mga musikero na magkaroon ng karanasan sa pagganap at makakuha ng mga followers. Makikita ang bagong grupong "After Hours" na sina Birch, Zyra at Arbs na nagtatanghal sa mga kalye ng Melbourne CBD.


KEY POINTS
  • Nitong Abril nabuo ang bantang After Hours.
  • Si Birch ay isang engineer sa Australia at isa sa mga bokalista. Naghintay siya ng limang taon bago tuluyang nagbusk, at nang dumating ang tamang sandali, nakilala niya ang kanyang mga kapwa musikero sa pamamagitan ng mga kaibigan. Si Zyra ay isang international student na ngayon ay nagtatrabaho na sa Melbourne at isa din siya sa mga bokalista. Nang makasama niya si Birch sa isang spontaneous busking session, ito ang simula ng kanilang bagong musical journey. Si Arbs ang kanilang gitarista.
  • Sa pagbabalanse ng bawat miyembro ng trabaho, pag-aaral, at personal na mga buhay, ang isa sa mga pangunahing hamon para sa kanilang grupo ay ang paghahanap ng oras upang magkasama-sama ngunit ang kanilang dedikasyon sa musika at sa bawat isa ay nagpapanatili sa kanila. Makikita sila tuwing Miyerkules at Sabado, madalas sa kahabaan ng Swanston at Elizabeth streets.
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipino na gumagawa ng sariling marka sa musika at sining.

PAKINGGAN ANG PODCAST
TK AFTER HOURS image

Grupong 'After Hours' binubuhay ang mga kalye ng Melbourne sa pamamagitan ng kanilang musika

SBS Filipino

15/10/202433:22

Share