Immigration Bureau ng Pilipinas, may pahayag kaugnay sa pangamba ng mga nao-offload na pasaherong babyahe pa-Australia

Immigration passport control point at Ninoy Aquino International Airport, Manila, Philippines

File Photo: Immigration passport control point - Ninoy Aquino International Airport / Manila International Airport Credit: mtcurado/Getty Images

Nagbigay ng pahayag ang Philippine Bureau of Immigration matapos hingan ng reaksyon ng SBS Filipino kaugnay sa ilang mga insidente kung saan naharang ang babyaheng turista sa Australia.


Key Points
  • Ilang Filipino-Australian ang nangangamba sa ilang insidente ng kanilang mga kamag-anak na naharang sa immigration counter ng Pilipinas na babyahe sana pa-Australya.
  • Sa pahayag ni Philippine Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinabi nitong mahigpit nilang ipinatutupad ang circular kaugnay sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Revised Guidelines on Departure Formalities for International-Bound Passengers.
  • Sa naturang panuntunan, lahat ng pasahero na lalabas ng bansa bilang turista o pansamantalang visitor visa ay dadaan sa mga pangunahin at pangalawang inspeksyon kung kinakailangan.
LISTEN TO THE INTERVIEW
Bureau of Immigration ng Pilipinas, naglabas ng pahayag kaugnay sa pangamba ng mga nao-offload na babyahe pa-Australya image

Philippines’ immigration agency reaffirms strict adherence to departure formalities

SBS Filipino

17/11/202205:08

Share