Ilang Pinoy sa Australya na naharang ang kamag-anak sa immigration counter ng Pilipinas, nangangamba

imm.jpg

Immigration Counter at the Ninoy Aquino International Airport. Credit: MIAA Media Affairs

Alamin kung paano ang proseso ng pagkuha ng affidavit of support na may notaryo na hanap ng ilang Immigration Officer sa Pilipinas sa mga naharang na Pinoy na magtuturista sa Australya.


Key Points
  • Hindi nakalipad pa-Australia ang pinsan ni Lovely Anne mula sa Victoria matapos maharang sa Immigration counter at hingan ng iba’t ibang dokumento kabilang ang affidavit of support.
  • Ayon sa panuntunan ng Bureau of Immigration ng Pilipinas, ang lahat ng pasahero na lalabas ng bansa sa pamamagitan ng lahat ng paliparan at daungan sa bansa ay dadaan sa mga pagsusuri upang maiwasan ang human trafficking, illegal recruitment at iba pang malalabag na batas.
  • Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, isa ang pagnonotaryo ng affidavit of support sa mga consular services.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Nangangamba si Lovely Anne Christensen mula Bendigo Victoria matapos malamang hindi pinayagan ang kanyang pinsan na bumiyahe pa-Australia ng Immigration Officer sa Pilipinas.

Nitong ika-23 ng Setyembre sana ang lipad ng kanyang pinsan pero naharang ito sa immigration counter at maraming naging tanong.

"Inulit-ulit yung questions kung magkaano-ano kami, kung bakit siya pupunta dito kasi hindi daw kapani-paniwala na gagastusan ko siya na cousin ko instead bakit daw hindi parents o mga kapatid dito ang papuntahin ko dito. Hinanapan na po siya ng mga ganito, ganyan," lahad ni Anne.
anne.jpg
Lovely Anne Christensen
Ang tinutukoy na mga dokumento ay ang mga certificate na magpapatunay ng pagiging magkamag-anak nilang dalawa at ang affividavit of support na may notaryo.
Hindi ko naman ineexpect na may maghahanap ng ganito kasi three years ago nagpunta parents ko dito, wala namang ganitong requirements.
Lovely Anne Christensen
Ayon sa panuntunan ng ang lahat ng pasahero na lalabas ng bansa sa pamamagitan ng lahat ng paliparan at daungan sa bansa ay dadaan sa mga pagsusuri upang maiwasan ang human trafficking, illegal recruitment at iba pang malalabag na batas.

Para sa mga babyahe sa ibang bansa sa pamamagitan ng tourist o temporary visa, ang pangunahing inspeksyon ay ang pasaporte, visa kung kinakailangan sa pupuntahang bansa at roundtrip ticket.

Kung kinakailangan naman, magsasagawa din ang kagawaran ng pangalawang inspeksyon sa pamamagitan ng pag-alam sa edad, tinapos na edukasyon at kakayanang pinansyal na maka-byahe.

Hindi lang pinsan ni Anne ang nakaranas ng ganito dahil ilang kababayan din sa Australia ang naglabas ng kanilang karanasan sa mga social media forum.
em.jpg
Registered Migration Agent Em Tanag Credit: Em Tanag
May mga ilang lumapit din sa Registered Migration Agent na si Em Tanag bagaman wala naman siyang personal na kliyente sa mga ito.

"Kung baga hinahanapan sila ng mga dokumento na sa palagay ko naman ay unnecessary dahil ang mga applicant for tourist visa for Australia ay bago ka mapprove ng visa, ang Australian government talagang chinecheck nila mabuti whether the applicant is really a genuine visitor at kung mayroon financial capacity to visit Australia," paliwanag ni Tanag.

Dagdag pa niyang "mababa ang risk ng Australia kung human trafficking ang pag-uusapan at tila mas makakagulo pa ang pagdadala ng dokumento dahil baka isipin ng Australian Immigration na nais nito magtrabaho sa bansa."

Ayon kay Consul General Maria Lourdes Salcedo ng Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, isa ang pagnonotaryo ng affidavit of support sa mga consular services.
congen-Maria-Lourdes-Salcedo-1.jpg
Consul General Maria Lourdes Salcedo Credit: Philippine Consulate General Melbourne / Angelito Valdez Jr. Photography
Sinabi ng Consul General na "lahat ng dokumento na gagamitin sa Pilipinas na manggagaling dito [Australia], executed and signed dito ay kailangan ng consular notarisation ng embassy o ng consulate."

May bayad anya itong $45 habang makikita sa website ng o ang mga requirements at pagbu-book ng appointment online.

Maari din anya gawin ito ng mga honorary consul.

Share