Key Points
- Ikinwento ng ilang Filipino na lumapag sa Australya ang karanasan na maharang ang dalang mga produkto at hindi ito pinayagan dahil ito ay ipinagbabawal.
- Ang Biosecurity Act ay pinagtibay para tiyakin na ang mga produktong dala ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay hindi magdadala ng sakit, para masiguro rin na ang mga dalang kalakal ay walang masamang epekto sa industriya ng agrikultura at kalikasan, at para maprotektahan ang merkado na may kaugnayan sa mga produktong pang-agrikultura.
- Ayon pa sa Australian Border Force, pinapayagang magdala ng kornik, bagoong, patis, daing, at mga iba pang pagkain basta luto na, at hangga’t ang mga ito’y nakasulat sa incoming passenger card para dumaan sa inspeksyon.
How to listen to this podcast Source: SBS