'Gising-Gising ba ‘yan o chopsuey?': Magkaibang bersyon ng gising-gising, Alamin!

Freshly cooked Filipino food called Gising Gising

Photo of freshly cooked Filipino food called Gising Gising or spicy green bean in coconut milk. Credit: Envato - Jun Pinzon

Len-Len, Mac-Mac, Jun-Jun, Kat-Kat, at marami pang iba. Tatak-Pinoy ang ugaling pagpapalayaw ng umuulit na pangalan. Bakit nga ba naging tradisyon natin ito, at bakit pati sa pagbansag ng pagkain ay nadala natin ito? Pagkaing gaya ng pichi-pichi, kare-kare, poqui-poqui, atbp. Tampok sa Kwentong Palayok podcast kasama ni Anna Manlulo at Alina Co ang “Gising-Gising,” isang maanghang na ulam na siguradong gigising sa panlasa mo.


Key Points
  • Ang Gising-Gising ay isang popular na Filipino dish na may creamy at maanghang na lasa. Karaniwang ginagamit ang sigarilyas, hinahaluan ng bagoong, at niluluto sa gata at may sili.
  • Ang sigarilyas ay kilala rin bilang “kalamismis” sa Laguna at Quezon.
  • Hindi madalas matatagpuan ang sigarilyas o winged bean sa Australia, kaya maaaring gumamit ng green beans, o asparagus bilang alternatibo.
  • May isa pang bersyon ng Gising-Gising na hindi nalalaman ng nakararami, at ito ang Gising-Gising recipe mula sa Nueva Ecija na kawangis ng Chop suey.
PAKINGGAN ANG PODCAST:
KWENTONG PALAYOK GISING GISING image

'Gising-Gising ba ‘yan o chopsuey?': Magkaibang bersyon ng gising-gising, Alamin!

SBS Filipino

31/01/202518:10
Anong bersyon ng Gising-gising ang kinagisnan mo? Alamin ang “tale of two dishes” mula sa magkaibang parte ng Pilipinas, at ang urban legend na ang Gising-gising ay mula sa usapang lasing.

Ano man ang Gising-gising na gusto mo, iisang bagay ang tiyak: ito ang klase ng ulam na sa sobrang sarap ay uulit-ulitin mo.

Share