Pagiging malikhain para gawing mas maningning ang Paskong Pinoy sa Australia

Filipino Christmas

Michael Crisostomo (in black shirt) & his churchmates with the Parol they made out of indigenous materials; Ivy Sugano chose a bare tree for Christmas this year Source: Left photo supplied by Michael Crisostomo; SBS Filipino

Sa Australia, walang malamig na simoy ng hangin. Wala ring gaanong palamuti o maiingay na batang kumakalampag ng tambol at tambourine. Hindi uso ang keso de bola at monito-monita. Malayo sa kinalakihang makulay na selebrasyon sa Pilipinas. Pero marami sa ating mga kababayan, tulad nila Ivy at Michael, binitbit sa Australia ang liwanag at saya ng Paskong Pinoy.


Ginamit ni Ivy Sugano ang kanyang pagiging malikhain sa kanyang mga sariling gawang palamuti para dekorasyunan ang kanilang tahanan upang higit na maramdaman ang Pasko ngayong taon.

Hilig naman sa sining ang pinagmulan ng ideya ni Michael Crisostomo para sa kanilang ginawang napakalaking parol na nakasabit ngayon sa kanilang simbahan.

 

BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Share