Ano ang kwento ng iyong Christmas Tree?

CHRISTMAS TREE

Source: Supplied

Iba't ibang Christmas tree ng mga pamilyang Pilipino sa Australia, bida sa ganda at istorya.


Setyembre pa lang naitayo na ni Elainie Camu ng Queensland ang kanyang wooden Christmas tree. Simple lamang ito pero tipid at nagbibigay ng maaliwalas na tanawin sa loob ng kanyang tahanan.

"Very handy ako so we saw this pallet timber so naisip ko maybe I can use that as a Christmas tree so I don't need to buy materials, its economical and very environmental friendly"
CHRISTMAS TREE
Source: Elainie Cuma
Bukod sa pagiging palamuti, mas malalim ang sinisimbolo ng Christmas tree para kay Elainie.

"Para sa akin Christmas tree gives hope, love and happiness"

Para ibahagi ang kanyang obra, sinubukan nya itong i-alok sa social media. Dahil maraming nagandahan sa kanyang ideya, naisip ni Elainie na gawin na itong bahagi ng kanilang negosyo nangayong pasko. 

"I'm also doing garden beds and  planter boxes before having the idea na gumawa ng Christmas tree.

In a day, kapag sa Christmas tree lang kami nagfocus, nakakagawa kami ng 20-30 "

Masaya si Elainie sa pagtangkilik ng maraming kababayan sa mga local businesses sa kanilang lugar. Isa ito sa mga naging paraan nya para makabawi sa kita ngayong may pandemya.
CHRISTMAS TREE
Wooden Christmas tree Source: Elainie Cuma
Naging bonding naman ng buong pamilya ni Anita Carreon Benitez ang pagtatayo ng malaking Golden Christmas tree sa kanilang tahanan sa Sydney.

Hindi rin sila gumastos ng malaki dahil sa Pilipinas nila binili ang mga palamuting isinabit dito. 

"Three years ago, my daughter went back to the Philippines, then nag-decide sila na bumili ng native products from Philippines para idecorate sa kanyang Christmas tree. Galing Divisoria"
CHRISTMAS TREE
Source: Anita Benitez
Kada taon ay nagpapalit ng kulay at disenyo ng Christmas tree ang kanilang pamilya.  Naging bahagi na ito ng kanilang tradisyon para sa mas masayang selebrasyon.
family christmas tree
Source: Anita Benitez
Mula sa Marikina ang pamilya ni Anita. Nitong nakaraang buwan, isa ang tahanan nila sa daan-daang bahay na lumubog sa baha dulot ng Bagyong Ulysses. Umabot sa ikalawang palapag ng bahay ang tubig kaya maraming nasira sa kanilang gamit at kabuhayan. 

Malungkot man para sa mga dinanas ng naiwang pamilya sa Pilipinas at para sa kanyang mga kapit-bahay, ipinagpapasalamat pa rin nya ang unti-unting pagbangon ng mga biktima ng baha sa kanilang lugar. 

"Marami talagang naperwisyo, maraming na-homeless at nasira ang bahay kaya nakakalungkot."
flood in Marikina, Philippines
Flooding in Marikina Source: Anita Benitez
Ngayong Pasko, sa halip na gumastos para sa magagandang damit at regalo, plano ng kanyang pamilya na ipunin ang pera para maitulong sa mga kababayan.

"Medyo bawas sa budget, sa gastos, imbes na gastusin namin sa sariling luho namin yung pera, mas maganda siguro maitulong"
CHRISTMAS TREE
Source: Anne Dulman- de la Pena
Namumulaklak naman sa ganda ng mga nakasabit na adordo ang Christmas Tree ni Anne Dulma- de la Pena. 

Ilang linggo ang ginugol nya para unti-unting makumpleto ang mga palamuti sa paligid nito. 

"Sa previous events namin, may ginamit kaming silk camelia flowers na nasa garage lang so sabi ko, why not recycle it. So yun ang nilagay ko sa Christmas tree namin"

Dinagdagan pa nya ito ng mga ilaw, dekorasyong ibon at mga silver ornaments.
CHRISTMAS TREE
Source: Anne Dulman- de la Pena
Espesyal para kay Anne ang Christmas tree na ito dahil ito ang unang dekorasyong pamasko nya sa kanilang bagong bahay. 

"Kakamove-in lang namin this year and I want to make it memorable and the tree that we've got ten years ago, maliit sya and luma na so naisip ko na palitan"
CHRISTMAS TREE
Source: Anne Dulman- de la Pena
Tulad ng maraming Pilipino na hindi makakauwi sa Pilipinas ngayong pasko, sa makukulay na dekorasyon na lamang nila dinadaan ang pagka-miss sa mga mahal sa buhay na hindi makapiling.

Sa kabila ng distansya, tuloy pa rin ang kasiyahan at pagpaparamdam ng pag-ibig at pagbibigayan. 


Share