Highlights
- Iba't ibang disenyo at kulay ng parol ang makikita na nakasabit sa tahanan ng maraming mga Pilipino.
- Masayang paggunita ng pagsilang ni Hesus ang pangunahing sinisimbolo ng parol para sa maraming Pilipino.
- Pagdiriwang kasama ang pamilya, pagbibigayan, pag-asa at pananampalataya ay kaakibat din ng bawat isang parol na nakabit sa tahanan ng bawat Pilipino.
Ano nga ba ang sinisimbolo nito para sa marami? Tinanong natin ang ilan nating kababayan.
Simbolo ng pananampalataya
Para kay Joanna Magno-Soncuya, ang parol ay simbolo ng ating pananampalataya. "It symbolises our faith, reminding us the birth of our Lord and Saviour Jesus Christ."
Paalala sa pagsilang sa tagapag-ligtas ng mundo.
"Parol is a star which symbolises the birth of our Saviour, our Lord Jesus Christ. Nagbibigay ng kulay, liwanag, kasiyahan hindi lang sa aming tahanan kundi sa buong kapaligaran at sa mga taong nkakatanaw nito.""At the same time, kahit malayo kami sa aming pamilya at sa Pilipinas, ay nadadama namin ang presensya ng pagdiriwang ng kapaskuhan," anang ginang mula Wynnum, Queensland.Naalala din sa pamamagitan ng parol ang pagdiriwang sa pinagmulang bayan.
You can be as creative and resourceful as using the baking paper (3rd star) for your parol. Source: Joanna Magno- Soncuya
"The parol symbolises our faith, reminding us the birth of our Lord and Saviour Jesus Christ at the same time a reminder of the Filipino spirit of Christmas." Source: Supplied by J. Soncuya
"Parol reminds us of our home country, Philippines during Christmas season. Kapag may parol na sa paligid, hudyat na eto ng simula ng masayang pagdiriwang ng Paskong Pinoy."
Pinagtulungan ni Gng. Soncuya at ng kanyang asawa na si Dennis at anak na si Chesca ang kanilang parol na nilagyan pa nila ng puting mga ilaw.
Pag-alala sa pinagmulan
"Whenever we see Parol way back home we, as kids, are pretty much excited because we know that Christmas time is coming. Gift-giving and aguinaldos are sure to be expected," kwento ni Jose Lobo Villanueva mula Mackay Queensland.
Gamit ang ilang ekstrang mga kawayan na ginamit para sa kanyang hardin, si Jose at ang kanyang kapareha na si Divina Viclar, ay gumawa ng kanilang sariling parol nitong Nobyembre.Umaasa ang dalawa na maiangat pa ang diwa ng Pasko sa kanilang lugar sa Bakers Creek sa Mackay, kung saan sila nakatira sa nakaraang pitong taon.
Chef Jose Villanueva and his partner Divine made 3 parols which now are hanging on display in and out of their home. Source: Jose Villanueva
"It just happened that we got heaps of Filipino neighbours here, we just wanted them (the new generations) to not forget the Filipino way of showing the essence of Christmas."
Jose Villanueva and partner Divina Viclar from Mackay, Queensland. Source: Supplied
Si Villanueva, na isang chef, ay huling umuwi sa Pilipinas noong 2018. Umaasa siya na sa darating na taon makabisita ang kanyang mga magulang sa Queensland.
Pagbibigayan
Labis naman ang tuwa ng ina mula sa Perth, Western Australia na si Marg Astrologo nang maisipan ng kanyang 9-na-taong gulang na anak na Ira na ibigay sa kanyang guro ang kanilang ginawang Pinoy parol.
"It's beautiful! and so much work [has been put into making the lantern]", ang sabi ng masayang guro nang tanggapiin niya ang gawang parol ng mag-ina."Isinabit sa classroom ['yung parol]. Gagamitin pa din daw sa Christmas next year. Nagandahan si teacher, the kids and the parents loved it. Some even messaged me and asked me about it," kwento ni Gng. Astrologo.
9-year-old Ira Astrologo shows off the lantern she and her mum made to give to her teacher. Source: Supplied by Marg Astrologo
Masaya ang ina at ipinagmamalaki nito na maibahagi ng kanyang anak ang kulturang Pilipino sa kanyang klase.
Gawa mula sa nabiling tuyong sanga ng kawayan, ang parol na gawa ng mag-ina ay sumisimbolo sa "makulay na parol na kasing kulay ng Pasko sa Pinas na bukod sa masaya ay naka-sentro sa pagdiriwang ng pamilya at pagkasilang ni Jesus," ani Marg Astrologo.2014 pa huling umuwi sa Pilipinas ang pamilyang Astrologo, batang-bata pa noon ang anak na si Ira.
Ira Astrologo with her dad preparing to doll up their second parol. Source: Supplied by Marg Astrologo
Dapat sana'y sa Pilipinas sila magpa-Pasko ngayong taon, ngunit dahil nga sa pandemya, hindi na ito natuloy.
Pagmamahalan ng pamilya
Bigay naman ng kamag-anak ang parol na mayroon si Rexzand Matuguinas na taga-Perth, WA din.
Ayon kay G. Matuguinas, ang kanyang pinsan na si Ryan Gempesaw ang gumawa ng kanyang parol at ibinigay sa kanya. Bukod sa kanya, ilang kaibigan pa ni G. Gempesaw ang kanyang hinandugan ng sarili niyang gawang parol.
Para sa ama ng dalawa, ang parol ay simbolo ng Pasko ng pamilyang Pilipino."It symbolizes Filipino family Christmas and reunions. It always remind me of my childhood during elementary days na magpasa ng parol sa klase at isasabit sa kisame ng classroom," pag-alala niya.
Rexzand Matuguinas' parol made and given to him by his cousin Ryan Gempesaw. Source: R. Matuguinas
"Tuwing Christmas party ang daming parol kada classroom at pabonggahan pa."
Naaalala pa niya nang minsang sumali at nanalo sa paligsahan ng paggawa ng parol sa Pilipinas.
"Noong magwork ako sa isang company sa Davao sumali kami ng Department ko sa Parol-making contest at ako ang gumawa at nagdesign sa parol, sa tulong ng aking kapatid na decorator. Naipanalo namin ng tumatagingting na 10k pesos at yon ang ginastos namin sa aming Department Christmas party."Kasalukuyang nagta-trabaho sa minahan sa Karratha, WA si G. Matuguinas at "sa December 23 uuwi ako ng bahay para mag-Pasko kasama ang pamilya ko."
Rexzand Matuguinas' wife and two daughters pose with their parol. Source: Supplied by R. Matuguinas
Pagkalinga sa ating kapwa
Ibinigay din lamang kay Fernie Vicente ang kanyang parol na nakasabit sa harapan ng bahay.
Gawa ng isang kaibigang Pinoy sa Maddington, Western Australia. Para sa Patient Care Assistant sa Royal Perth Hospital, saya ang dulot na makakita ng parol.
Fernie Vicente's parol given by a friend lightens up their front yard at night. Source: Supplied by F. Vicente
"It makes me feel happy and remember how we celebrate our Pasko sa Pinas and my children loves it when they see the light and it brightens our night".
Natatangi ang pakiramdam ni Gng. Vicente tuwing panahon ng Pasko. "Mahirap i-explain ang feelings ng simoy at ambiance ng Pasko lalo na sa atin at dahil malayo kami sa pamilya, sa simpleng parol napapaligaya kami."Buti na lamang na kahit malayo sa naiwang pamilya sa Pilipinas, may mga kaibigan at kapitbahay naman sila na kanilang nakakasama tuwing sasapit na ang mismong araw ng Pasko.
The Vicentes wishes everyone a merry Christmas. Source: Supplied by Fernie Vicente
"Every 24th of December meron kami noche buena magkakapitbahay na Filipino dito sa aming area, kaya masaya," pagbabahagi niya.
Pagdiriwang ng Paskong Pilipino
Tulad din ng maraming Pilipino, "Paskong Pinoy" ang ipinapaalala ng parol para kay Sally Pedimonte mula Brisbane, Queensland.
Gawa mula sa makinang na tinsels, alambre at bituin na para sa Christmas tree at Christmas lights ang ginamit ni Sally Pedimonte para sa kanyang parol, kaya tinawag niya itong "Oz parol" dahil sa gawa ito sa lokal na materyales na kanyang nabili sa mga lokal na tindahan.Mahalagang ipinapaalala ng parol ang pagkabata ni Sally. "It reminds me of my childhood back in the Philippines during Christmas. Back in the days sa Philippines na pagandahan ng Parol na nakasabit sa bawat bahay."
Sally Pedimonte Pinoy parol from locally sourced materials. Source: S. Pedimonte
Saanman gawa o galing ang bawat isang parol na ating isinasabit sa labas o loob ng ating mga tahanan, ang pinakamahalagang tandaan ang tunay na sinisimbolo nito kung bakit nating ipinagdiriwang ang Pasko base sa ating pananampalataya.
Higit ding mas makahulugan ang bawat pagdiriwang kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan, at masaya tayong nagbibigay, nagmamahalan at nag-uunawaan.
BASAHIN DIN / PAKINGGAN